Ravena, Kouame swak na sa ‘Calambubble’
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
PUMASOK na ang 12 basketbolista sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna nitong Linggo, Enero 10 para sa Gilas Pilipinas training pool bubble.
Ang hakbang ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) ay kaugnay sa paghahanda sa national men’s basketball team para sa 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 third & final window qualifier sa Angeles City, Pampanga sa darating na Pebrero 18-22.
Pinangunahan ni Philippine Basketball Association (PBA) star Kiefer Isaac Ravena ng Nnorth Luzon Expressway, at naturalized player candidate Angelo Kouame ang grupo.
Pero susundan pa sila ng ikalawang ng PBA stars second batch para rin sa Calambubble sa Enero 22.
Swak na rin sa first batch sa pasilidad ng National University ng Pamilyang Sy sina Gilas Cadet members Isaac Go, magkapatid na Matt at Mike Nieto, at Rey Suerte.
Gayundin sina Javi Gomez de Liano, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Calvin Matetikaana, William Navarro, at Kenmark Carino.
Isa kinausap ng PBA at SBP si Fil-Canadian Matthew Wright ng Phoenix Super LPG ang tumanggi na mas pinili pa ang magliwalis sa Atlanta, Goergia, USA.
Tinapik din sina PBA mentors Norman Black ng Meralco at Carlos Garcia ng Rain or Shine bilang assistant coaches ng national squad. (REC)
-
Kiefer pinagmulta, sinuspinde sa B.League
PINARUSAHAN si Shiga Lakestars guard Kiefer Ravena ng pamunuan ng Japan B.League matapos ang ilang beses na unsportsmanlike fouls sa huling laro ng kanilang tropa sa liga. Pinatawan ang Pinoy cager ng multa at suspensiyon dahil sa dalawang unsportsmanlike fouls na nagawa nito sa laro ng Shiga kontra sa Kyoto noong Linggo kung […]
-
Kinabog ang mga celebrity pets: Fur baby ni TAYLOR SWIFT, nasa $97 million na ang net worth
KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats. Umaabot sa $97 million, o mahigit PhP 5.4 billion, ang net worth ng fur baby ni Taylor dahil sa social media. Ayon pa […]
-
PARI SINUNTOK, IMPORT NG ADU KULONG
HAWAK na ngayon ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS) ang varsity player ng Adamson University matapos na itulak at manuntok ng isang pari sa loob ng gym ng eskuwelahan sa Ermita, Maynila. Kinilala ang atleta na si Papi Sarr, 28 anyos, Cameron National, nanunuluyan sa Falcon Nest., Adamson University sa San Marcelino St., […]