• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Raymart, nag-post sa IG stories ng kanyang pagbati: JODI, waging Best Actress at kinabog ang mga kalaban sa ‘Asian Academy Awards’

ANG Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang nag-iisang nakapag-uwi ng tropeo para sa Pilipinas sa Asian Academy Awards 2022 na ginanap sa Singapore noong December 8.

 

 

Si Jodi nga ang itinanghal na Best Actress in a Leading Role at kinabog niya ang mga kalaban na mahuhusy na aktres mula India, Singapore, Taiwan at South Korea, dahil sa mahusay niyang pagganap bilang Dr. Jill Ilustre sa teleseryeng “The Broken Marriage Vow,” ang Philippine adaptation mula sa ABS-CBN ng British series na “Doctor Foster.”

 

 

Personal ngang tinanggap ni Jodi ang award na kung saan naging presenter din siya sa awards night. Makikita na na-shock talaga siya nang in-announce na siya ang nagwagi sa maliit na margin na lang .07.

 

 

Nang tinawag ang kanyang pangalan, nagyakapan sila ni Dimples Romana, na nominated naman sa para Best Actress in a Supporting Role para sa ‘Viral Scandal’, na hindi nga lang pinalad magwagi.

 

 

Sa kanyang acceptance speech, “This was so unexpected. Thank you to the Asian Academy, ABS-CBN, Dreamscape, BBC for allowing us to do the Philippine adaptation of ‘Doctor Foster.’

 

 

“Our directors, direk Connie Macatuno and Andoy Ranay, my co-actors, the production team. I will always say that it takes a village to be able to produce a wonderful series.

 

 

“I’m just at a loss for words. But again, thank you because this is the highlight of my year.”

 

 

Paghuli pa niya, “Thank you, thank you. God I give you back all the glory and praise. Thank you!”

 

 

Samantala, sa Instagram stories ni Raymart Santiago, nag-congratulate ito kay Jodi at pinost ang snap shot ng aktres na kung saan taas-kamay niyang pinagmalaki ang tropeo ng tagumpay.

 

 

***

 

SINASABI nga na ang pinaka-mabiling plaka ng isang Christmas song ay ang ‘White Christmas’ ni Bing Crosby, na nakapagbenta na ng milyong kopya at hanggang ngayon ay nabibili pa.

 

Naisalin na rin iyon sa iba’t ibang salita sa buong mundo, kasi nga pangarap ng halos lahat ang “white Christmas” na nakikita nila sa cards, Christmas wrappers at iba pang may kinalaman sa Pasko.

 

May mga bansang walang snow, kagaya ng Pilipinas, kaya ang White Christmas ay nanatiling pangarap na lang, hanggang magbukas nga sa Star City ang Snow World, na nagbigay sa atin ng pagkakataong maranasan ang white Christmas.

 

Pero nawala ito nang tatlong Pasko dahil sa pandemya, at ngayon ay muli nating mararanasan.

 

Hindi lamang isang white Christmas, nagbabalik din si Santa Claus mula sa North Pole para makipagkita sa mga bata at mabigyan sila ng regalo. Kasama rin ni Santa sa pamamasyal sa Snow World ang Snowman.

 

Sa loob ng Snow World ay may coffee shop para sa mga giniginaw na, Sa labas naman ay may makikitang booth na may masarap na Chicken Rice, at ang kakaning sticky rice with mangoes, para sa isang anytime Noche Buena na magugustuhan ninyo.

 

Makikita rin ang naggagandahang mga parol at pailaw sa loob ng Snow World at ang tatlumpung talampakang Christmas tree. Mas naging exciting din ang ice slide na siyang pinaka-mahabang man made ice slide sa buong mundo sa ngayon.

 

At higit sa lahat, maaari kayong magpakuha ng picture na souvenir ng inyong White Christmas sa loob ng Snow World, na ikasisiyang makita ng inyong social media friends.

 

Kaya magtungo na sa Snow World sa Star City. Iyon ay bukas araw-araw sa buong panahon ng Kapaskuhan, para magbigay katuparan sa ating “white Christmas dream”.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • AJ, pinagdiinan na never naging third party sa hiwalayang ALJUR at KYLIE

    KAHIT nagsalita na si Kylie Padilla na Abril 2021 pa sila hiwalay ng asawang si Aljur Abrenica ay marami pa ring namba-bash kay AJ Raval na itinuturong 3rd party sa hiwalayan ng mag-asawa.     Matatandaang kumalat sa social media ang larawan nina Aljur at AJ na nagmo-malling habang magka-holding hands at pinost ito ng netizens […]

  • Mas maraming supply ng oxygen kailangan para mapaghandaan ang posibleng Delta COVID-19 surge – Vergeire

    Kailangan ng Pilipinas na madamihan ang supply ng oxygen para mas makapaghanda sakali mang magkaroon ng surge dahil sa Delta COVID-19 variant.     Nauna nang nagbabala ang DOH na posibleng magkaroon ng isa pang surge makalipas na magkaroon ng 11 local cases ng Delta variant sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at Central […]

  • PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS

    Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan!  Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride!      […]