Recovery ng ekonomiya ng bansa, posible sa 2022 – Sec.Lopez
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
TIWALANG inihayag ni DTI secretary Ramon Lopez na sa taong 2022 ang panahon para makaahon at maka- recover ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Sec.Lopez na ang kailangan lang ay mahagip kahit sa panimula ng 2022 ang 4.8% GDP growth.
Sinabi ni Sec. Lopez na mula dito ay maaaring makamit ng bansa ang pre- pandemic economic status na pumalo sa 6.6 percent partikular nuong 2019 na kung saan, 2nd fastest growing economy ang Pilipinas sa South East Asia.
Samantala, sinabi pa rin ng Kalihim na posibleng umabot sa 5% growth ang ekonomiya ng bansa para sa buong 2021.
Tinatayang 5.3% na lang ani Sec. Lopez ang kakailanganin na maaaring makamit sa huling quarter ng 2021 para pumalo sa 5% ang growth rate ng bansa sa kabuuan ng taong ito.
Aniya pa, kakayanin naman ito lalo’t gumaganda na ang estado ng COVID 19 cases. (Daris Jose)
-
Hangga’t hindi nakakaapekto sa work nila: Isyu ng hiwalayan nina TOM at CARLA, hindi pinakikialaman ng GMA
MARAMI nang excited, lalo na ang mga fans ni Bianca Umali, sa world premiere tonight ng first romantic-comedy series na ginawa ng Kapuso actress, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, na first time nilang pagtatambalan ni Ken Chan. Ibang-iba kasing Bianca ang mapapanood dito, na kahit ang actress ay nanibago at inaming […]
-
Ads April 17, 2021
-
Pag-IBIG members, nakapagtala ng record-high na P59.52 bilyon savings
INIULAT ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ang kanilang mga miyembro ng record high na P59.52 bilyon na savings para sa unang walong buwan ng taong ito. Nabatid na ito ay paglago ng 11.45% year-on-year, at itinuturing na pinakamalaking halaga na naipon ng mga miyembro mula Enero hanggang Agosto, sa kasaysayan. Ayon […]