• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Recto, nanumpa na bilang Kalihim ng DoF

OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si House Deputy Speaker Ralph Recto bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF).

 

 

Si Pangulong Marcos ang nangasiwa ng oath of office ni Recto sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, Enero 11.

 

 

Dahil dito, opisyal nang kasama si Recto sa mga tao ng administrasyong Marcos.

 

 

Nauna rito, mismong si Communications Secretary Cheloy Garafil ang nagkumpirma sa pamamagitan ng text message ang magaganap na panunumpa ni Recto para sa kanyang bagong tungkulin, ngayong araw ng Biyernes, Enero 11 sa harap ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Kinumpirma rin ni dating Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang bagong posisyon ng kanyang asawa.

 

 

Samantala, nanumpa rin sa kanyang tungkulin si Frederick Go bilang Kalihim ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA).

 

 

Layon ng bagong tanggapan na tiyakin ang epektibong integrasyon, koordinasyon at implementasyon ng iba’t ibang government investment at economic policies.

Other News
  • Private, national government at LGU-hospitals, nag-commit na dadagdagan ang mga Covid-19 beds

    DAHIL sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PhilHealth na magbayad sa mga hospital na mayroong mga unpaid Covid-19 claims, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na marami sa mga private, national government at LGU-hospitals ang nag-commit na dadagdagan ang mga Covid-19 beds lalo na ang mga IC beds sa NCR Plus.   Ito […]

  • Utah Jazz may 3 wins na matapos malusutan sa double overtime ang Pelicans

    NANANATILING  malinis ang record ng Utah Jazz ngayong bagong seaon ng NBA matapos na manalo na naman at ang panibagong nabiktima ay ang New Orleans Pelicans sa iskor na 122-121 na umabot sa double overtime game.     Kumamada ng 31 points, 12 rebounds ang Finnish basketball player ng Jazz na si Lauri Markkanen para […]

  • PBBM, muling binuhay ang Task Force El Niño

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng isang executive order (EO) na muling buhayin ang Task Force El Niño.     Inanunsyo ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang muling pagbuhay ng  task force noong December 2023, subalit ang EO ay nilagdaan lamang noong Enero 19 at In-upload sa Official Gazette, araw […]