• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Red Cross tigil muna sa PhilHealth COVID-19 tests

ITINIGIL ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID-19 tests sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang mabigo ang ahensya na makapagbayad ng utang na aabot na sa higit na P1 bilyon.

 

Dahil dito, apektado ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga overseas Filipino workers na dumarating mula sa mga paliparan at pantalan, mga indibidwal mula sa mga swabbing facilities at lokal na pamahalaan, frontline health at government workers at iba pa na kasama sa ‘expanded testing’ ng Department of Health (DOH).

 

Inumpisahan ang pagpapatigil mula nitong Oktubre 14 at mananatili hanggang hindi nakababayad ang PhilHealth ng bill na aabot na sa P1,014,975 kung saan P930,993 ang ‘overdue’ na balanse.

 

Magpapatuloy naman ang COVID testing ng PRC sa mga indibidwal na nag-book sa kanila sa pamamagitan ng kanilang 1158 helpline, online, mga pribadong kumpanya at organisasyon at mga lokal na pamahalaan na direktang magbabayad. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 5 timbog sa shabu sa Caloocan at Valenzuela

    Limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.   Ayon kay Caloocan polic chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 9:50 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 15 ang […]

  • PBBM tiniyak na papanagutin ang nasa likod na tumulong kay Guo na makalabas ng bansa… LET ME BE CLEAR: “HEADS WILL ROLL”

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may ulong gugulong sa pagtulong para makalabas sa bansa ang pinatalsik na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.         Sinabi nito na ang insidente ay nagpapakita ng kurapsyon sa justice system na siyang magpapahina ng tiwala ng publiko.     Giit pa ng […]

  • Assessment ng US-based company Bloomberg, pinalagan ng Malakanyang

    ITINANGGI at pinalagan ng Malakanyang ang naging assessment ng US-based company Bloomberg kung saan nakapuwesto ang Pilipinas malapit na sa ilalim o kulelat pagdating sa COVID resilience ranking.   Iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos na nahawakan ng pamahalaan ang viral outbreak.   Sa ulat, ipinuwesto ng Bloomberg ang Pilipinas sa 46th mula sa […]