• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Red tagging sa mga organizer ng community pantries, gawain ni satanas-obispo

Ang red-tagging at pag-aakusa ng walang batayan sa mga organizers ng community pantries sa bansa ay maituturing na gawa ni Satanas. Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa red-tagging at profilling laban sa nagsasagawa ng mga community pantries sa bansa ngayong panahon ng pandemya na may batayang biblikal sa ginawang pagpapakain ni Hesus sa mahigit 5,000 indibidwal sa disyerto.

 

 

“Sa totoo lang palagay ko lang ito, yan [red-tagging sa mga community pantry organizers] ang gawa ni Satanas, yan ang gawa ni Satanas sapagkat alam mo yang community pantry na yan mayroon ng biblical roots yan talaga, ang unang biblical roots niyan alam mo yung feeding of the 5,000 [in the desert]” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

 

 

Ayon sa Obispo, gawain ni Satanas o ng demonyo na sirain at pigilan ang gawang mabuti ng Panginoon tulad ng mabuting layunin ng community pantry na nagsilbing inspirasyon upang magkaroon ng halos 350 iba pang mga community pantries.

 

 

Sinabi ni Bishop Bacani na ang ipinapamalas ng mga Filipino na bayanihan at pagtutulungan ay ang nais ng Panginoon na makitang tugon mula sa sambayanang Kristiyano sa oras ng pangangailangan at kagipitan. “Si Satanas ang gagawin niya sisirain niya yan, akalain mo naka-350 hindi ko naman sasabihin na copies o imitation but mga nainspire na dito [sa community pantry] at yung balita ko pati daw sa Timor Leste ibang bansa na yan umabot na. Gusto ng Panginoon ipakita na sa oras ng pangangailangan ang mga Kristiyano na rin ang magtutulungan at syempre nais ng demonyo na sirain yan at takutin pati na yung mga nagpapalaganap ng tamang ideya ng pamumuhay bilang isang sambayanang Kristiyano.”

 

 

Dagdag pa ni Bishop Bacani. Ibinahagi ng Obispo na ang ipinapamalas na pagtutulungan at pagkakaisa ng mga simpleng mamamayan para sa lahat ng mga nangangailangan ay isang magandang pagpapamalas ng Kristiyanismo na inihandog ng Panginoon sa mga Pilipino 500-taon na ang nakakalipas. Partikular din kinilala ni Bishop Bacani ang mabuting inisyatibong sinimulan ni Ana Patricia Non na siyang organizer ng unang community pantry sa Maginhawa, Quezon City.

 

 

Ikinalugod din ng Obispo na malaman na nagtapos si Non sa Paco Catholic School na isa sa Katolikong paaralan na mariing nagtuturo ng kabutihang asal at mga turo ng Panginoon sa mga mag-aaral.

 

 

“Yan ang isa sa pinakamagandang handog ng Diyos sa mundo, dito sa Pilipinas pinakamagandang handog yan sa mundo at tamang-tama sa 500 years of Christianity itong mga ganito ang mga kitang-kita natin biyaya ng Diyos at alam mo pinagmamalaki ko din na itong si Ana Patricia Non graduate pala ng Paco Catholic School wow tuwang tuwa ako nung malaman ko yan sapagkat that is how a Christian and a Christian leader should act, mahiya naman ang mga nag-re-red-tagging sa mga community pantries,” ayon pa kay Bishop Bacani. Binigyang diin naman ni Bishop Bacani ang patuloy na pagpapamalas ng disiplina ng bawat isa at pagsunod sa mga ipinatutupad ng mga safety health protocol upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa.

Other News
  • DTI Sec. Lopez, nagpositibo sa COVID-19

    Naka-isolate na si Trade Sec. Ramon Lopez, makaraang magpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Mismong si Lopez ang nagkumpirma ng impormasyon, matapos niyang matanggap ang resulta ng ginawang pagsusuri. Agad namang nagsagawa ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng kalihim, nitong mga nakaraang araw.   Kaugnay nito, pinawi ng opisyal ang pangamba ng […]

  • Wimbledon tatanggalin na ang mga line judges

    SA UNANG pagkakataon matapos ang 147 taon ay nagpasya ang Wimbledon an tanggalin na ang mga line judges sa lahat ng kanilang courts tuwing may tournaments.     Ayon sa All England Club na simula 2025 championships ay gagamit na sila ng electronic line calling (ELC).     Ang ELC ay siyang papalit sa mga […]

  • PALARONG PAMBANSA 2020, KANSELADO SA COVID-19

    BILANG bahagi ng pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 , pormal nang ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaliban sa 2020 Palarong Pambansa na gaganapin sana mula May 1 hanggang May 9, 2020.   Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na host ng 2020 Palaro ang naging desisyon matapos ang pakikipagpulong […]