Regional airports, dapat ng gamitin- PBBM
- Published on September 30, 2022
- by @peoplesbalita
DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon.
“Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa grand opening ng bagong terminal building ng Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga.
Wika pa ni Pangulong Marcos, ang ilang flights ay hindi na dapat pang dumaan sa Maynila kung maaari namang dumaan direkta sa mga lalawigan.
“Huwag nating pinipilit lahat na kailangan dumaan ng Maynila. So, direct na sa Bohol, direct na sa Cebu, marami na talagang direct. Direct sa CDO, direct sa Davao na mayroon na rin. Ganon, para di na kailangang dumaan ng Maynila. Kaya’t itong ganitong klaseng project is exactly on point when it comes to the plans that we have,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Sinabi pa niya na ang bagong paliparan ay “a perfect example of what government and the private sector can do.”
Para sa Punong Ehekutibo, ito aniya ay “very strong signal” na ang Pilipinas ay bukas na para sa investments mula sa ibang bansa.
Samantala, kasama ng Pangulo sa nasabing event sina Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos, Transportation Secretary Jaime Bautista, Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, at iba pang key officials mula sa pribadong sektor. (Daris Jose)
-
PBBM, iginawad ang Special Financial Assistance sa 12 sugatang sundalo na na-neutralisado ang DAWLAH ISLAMIYAH-MAUTE GROUP MILITANTS
PERSONAL na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang special financial assistance sa 12 sundalo na nagtamo ng mga pinsala sa pakikipaglaban sa militanteng Dawlah Islamiyah-Maute Group na sangkot sa pagbomba sa Mindanao State University-Marawi noong nakaraang buwan. Ang 12 sundalo ay kasalukuyang naka-confine sa Army General Hospital (AGH). Maliban […]
-
2 arestado sa shabu sa Valenzuela at Navotas
Dalawang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang rider ang arestado ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas city. Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSg Carlos Erasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 12 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga […]
-
Thankful na naimbita na maging host ng show: GLAIZA, inaming aware sila sa mga isyu kaya mas nagiging maingat
THANKFUL si Kapuso actress Glaiza de Castro, na naimbita siyang maging isa sa mga hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. na napapanood sa GMA-7, Mondays to Saturdays. Ini-enjoy daw niya ang mga ginagawa nila sa show with her co-hosts. “Thankful ako, kasi akala ko, mga isa, o […]