Registration sa Social Media accounts, di pinalawig
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
WALANG pagpapalawig sa deadline ng registration sa social media accounts ng political parties ,party-list groups at aspirants para sa kanilang kampanya para sa 2025 polls, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong martes.
Ayon sa Comelec resolution No.11064-A, ang social media registration ay dapat sa/o bago ang Disyembre 13.
Pinaalalahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga concerned parties na sumunod sa bagong guidelines ng Comelec upang hindi ma-delete ang kanilang mga posts o platforms.
Ang social media account registration ay bahagi ng regulasyon ng digital election campaigning. Layon nitong i-regulate ang paggamit ng artificial intelligence at ipagbawal ang paglaganap ng disinformation at maling impormasyon.
Ayon pa sa Comelec resolution No.11064-A, inamyendahan din ng poll body ang patakaran sa mga tuntunin sa social media sa pag-alis sa probisyon na ang mga accounts ng mga pribadong indibidwal ay dapat irehistro at i-regulate.
Sinabi ng komisyon na ang pag-amyenda ay layong itaguyod ang Kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag ng mga pribadong mamamayan. GENE ADSUARA
-
Ads December 7, 2022
-
75 NA IMMIGRATION OFFICERS, NAGSIPAGTAPOS
MAY kabuuang 75 na panibagong batch ng mga Immigration Officers ang nagtapos sa ilalim ng Bureau of Immigrations (BI) Philippine Immigration Academy (PIA). Ang mga nagtapos na mga BI Immigration ay pormal na kikilalanin sa isang graduation ceremony sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco […]
-
No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong
ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO). Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip […]