Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.
Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na submitted for resolution na ang reklamo. Ang reklamo ay inihain sa DoJ ng dating Makati School of Law Dean Rico Quicho matapos itong pumasok sa Makati Medical Cen- ter para samahan ang kanyang asawa kahit nakakaranas ito ng mga sintomas ng covid at kinalaunan ay nagpositibo sa naturang sakit. Nitong Setyembre nang buksan muli ang preliminary investigation sa reklamo matapos matanggap ng DoJ ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ni National Bureau of Investigation (NBI) at makapagbigay ng karagdagang mga dokumento sa nasabing kontrobersiya. Abil 5, 2020 nang nagsampa ng reklamo sa DoJ si Quicho dahil umano sa paglabag ni Pimentel sa RA11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at iba pang patakaran ng Department of Health (DoH).
-
Ads January 16, 2021
-
Perez, Black kikilalanin ng PBA Press Corps
PAMUMUNUAN nina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Aaron Black ang mga gagawaran sa PBA Press Corps PBAPC) virtual Awards Night 2021 sa Marso 7 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong. Sa pangalawang sunod na taon, tinanghal na Scoring Champion si Perez, 27. Si Black, 30, ang mamumuno sa All-Rookie Team. Pinag-isa […]
-
𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿., 𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗼 𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 ‘𝗴𝗵𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿’ 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗲𝗲𝗻 – 𝗚𝗔𝗕𝗥𝗜𝗘𝗟𝗔
PINUNA ng grupong GABRIELA ang pagiging “missing-in-action” ni Marcos Jr. at tinawag siyang “ghoster” ngayong palapit na ang Undas kung saan sinalanta ng bagyong Paeng ang bansa habang minumulto ng nagtataasang presyo ng bilihin at bayarin ang mamamayan. “Nasaan ba talaga ang pangulo? Ang ibig-sabihin yata ng PBBM ay President Bong Bong Missing-in-action! […]