• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rekomendasyon ng pribadong sektor na tiyakin ang food security, isinumite na kay PBBM

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council (PSAC), araw ng Biyernes para talakayin ang rekomendasyon na naglalayong itaas ang local food production at suplay.

 

 

Nakasaad sa  kalatas na ipinalabas ng  Office of the President (OP) na kabilang dito ang “digital farming methods and strategies” para mapahusay ang  supply chain.

 

 

Ipinanukala rin sa nasabing miting ang  pagrerebisa ng polisiya at istraktura ng National Food Authority (NFA) upang makayanan ng ahensiya na mag-operate bilang logistics hub.

 

 

Bukod dito, tinalakay din ni Pangulong Marcos sa  PSAC ang kanyang mga plano para sa institutusyonalisasyon ng  digital platform Sarai ng Department of Science and Technology (DoST)  na naglalayong bigyan ang mga stakeholders  ng  site-specific crop advisories batay sa data na nakuha mula sa  Diwata microsatellite.

 

 

Naniniwala kasi ang Punong Ehekutibo na sa pamamagitan ng programang ito, ang mga magsasaka at mangingisda ay magkakaroon ng  real-time access sa farm conditions, kabilang na ang  “weather, drought, and flood forecasts” at maging ang  “disease detection and infestation.”

 

 

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ng Pangulo ang pag-arangkada ng muling  pagtatanim ng puno ng niyog  at pamamahagi ng mga punla at maging ang  intercropping para sa mas maayos na paggamit sa lupain.

 

 

Layon kasi ni Pangulong Marcos bilang  kasalukuyang hepe ng Department of Agriculture  na itaas ang food production sa bansa at ibaba ang presyo ng mga food products.

 

 

Nais din ng Punong Ehekutibo na ayusin ang  tinatawag na value chain upang kagyat na matugunan ang short-term at long-term na problema sa sektor ng agrikultura.

 

 

Nauna rito, sinabi ng Chief Executive na iiwan lamang niya ang kanyang posisyon bilang Kalihim ng DA kapag nagawa na ang  structural changes sa departamento. (Daris Jose)

Other News
  • P45M insentibo binigay, inani ng SEAG coaches

    SINIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pamimigay ng tseke mula sa inilaang halos P45 milyon cash incentives para sa 182 national coaches matapos masungkit ng Team Philippines ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games.   Batay sa ilalim ng probisyon ng Republic Act No. 10699 o mas kilala bilang National Athletes and […]

  • NEW TRAILER FOR “THE FLASH” DEBUTS OUT OF CINEMACON

    WATCH worlds collide in the new trailer for The Flash. Starring Ezra Miller as the titular superhero, The Flash movie is racing to Philippine cinemas June 14.    Watch the new trailer: Youtube: https://youtu.be/LsbQYahV8BE Facebook: https://fb.watch/k7TkYKChQe/ About “The Flash” Worlds collide in “The Flash” when Barry uses his superpowers to travel back in time in […]

  • Dahil sa init at pertussis, blended learning ibalik

    KASUNOD ng pagbabalik-eskwela matapos ang Mahal na Araw, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga punong-guro na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon.     “Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng […]