• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Release order ni Pemberton, ipinadala na sa JUSMAG matapos pirmahan ni BuCor Dir. Bantag

Inaabangan na ngayon ang paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na kasalukuyang nakapiit sa Kampo Aguinaldo.

 

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag, matapos nitong pirmahan ang release order ni Pemberton ay ipinadala na ito sa Joint United States Military Advisory Group (JUSMAG).

 

Sinabi ni Bantag na ibibigay ng BuCor at Department of National Defense (DND) personne ang pirmadong release order ng dating sundalo.

 

Sa isyu naman ng kustodiya, sinabi ni Bantag na hindi na ita-transfer sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang sundalo habang nananatili sa kanyang piitan.

 

Una rito, kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na matatapos ngayong weekend ang buong proseso ng pagpapalaya at deportation kay Pemberton.

 

Gayunman, sinabi ni Guevarra na ang actual exit ni Pemberton ay magiging depende sa kanyang flight arrangements dahil ito ay isang US military personnel.

 

“The whole process of official release and deportation can be completed by the weekend. But the date of pemberton’s actual exit from the country depends on his flight arrangements, considering that he is a military personnel of the US,” ani Guevarra.    

Other News
  • Mga pasilidad ng PSC nananatiling sarado

    Mananatiling sarado ang mga sports facilities ng Philippine Sports Commission (PSC) habang wala pang nakukuhang ‘green light’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).   “All PSC sports facilities in RMSC and Philsports Complex remain closed until further notice,” pahayag ng sports agency kamakalawa.   Ilang linggo matapos pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) noong Marso ay […]

  • NLEX, TNT ikakasa ang semis series

    BITBIT  ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, isang panalo lang ang kailangan ng No. 2 NLEX at No. 3 TNT Tropang Giga para maitakda ang kanilang best-of-five semifinals series sa PBA Governors’ Cup.     Sasagupain ng Road Warriors ang No. 7 Alaska Aces ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang salpukan ng Tropang Giga at No. […]

  • Development agenda ng PBBM administration susuportahan

    NANGAKO ang multinational investment firm na Morgan Stanley na susuportahan nito sa pamamagitan ng investment ang agresibong development agenda ng Marcos administration.     Ito’y matapos makausap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Chairman for Asia Pacific ng Morgan Stanley na si si Gokul Laroia sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.   […]