RENOVATION NG MANILA ZOO, ‘MALI’ NGAYONG PANDEMYA: ATTY. LOPEZ
- Published on February 12, 2022
- by @peoplesbalita
MAY tamang panahon ang pagsasa-ayos ng may limang ektaryang Manila Zoo, sabi ni Atty. Alex Lopez, pero hindi ngayong patuloy pa rin ang peligro ng nakamamatay na pandemyang Covid-19.
Sinabi ito ng kandidatong alkalde ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa mga mamamahayag kasunod ng balita na ginawang vaccination site ang Manila Zoo para sa mga menor de edad at senior citizens.
Mas dapat na inuna ay ang pagkain, trabaho at gamot.
“Palagay ko, hindi napapanahon na i-renovate ang Manila Zoo, ngayon na kulang ang pagkain sa hapag kainan, kulang ang trabaho. P1.7 ang ginastos sa renovation, e budget po ng tatlong probinsya ‘yan. Ayoko ko munang mag-isip ng anuman, sila na ang magpaliwanag sa napakalaking ginastos na yan sa taumbayan,” sabi ni Lopez.
Tinutukoy niya sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at ang City Council na nag-apruba sa pag-utang ng mahigit sa P15-bilyon sa Development Bank of the Philippines (DBP).
Mula sa P15-bilyong inutang, P1.7 ang inubos sa Manila Zoo, ayon sa hawak na dokumento ni Atty. Lopez.
Mali rin, ayon sa pambatong kandidato ng PFP para alkalde ng Maynila, na gawing vaccination site ang Manila Zoo.
Sa halip na makatulong sa pagkalat ng virus ng Covid-19, baka maging dahilan ng mabilis na pagkahawa at pagkakasakit.
“Sa tingin ko mali na naman yan… Magkiki-create lang ‘yan ng coronavirus. Maraming mikrobyo sa Zoo. You don’t have to be a genius, just go to Google and you’ll see several animal-borne diseases coming from the zoo. That is the first time in the world, only in Manila ginawang vaccination center ang zoo,” sabi ni Atty. Lopez.
“Mas ailangan ngayon ay gamot, allowances para sa mga frontliners, tulong sa mga barangay health workers, basic medicines, paracetamol, gamot sa ubo, sipon, sa lagnat; dumadaingang mga barangay, walang tulong sa vitamins, gamot sa diabetes, gamot po sa lagnat,” sabi ni Lopez. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Tigil-pasada naging payapa – PNP
INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na nanatiling mapayapa ang sitwasyon sa kalakhang Maynila sa kabila nang pagsasagawa ng 3-day transport strike ng PISTON (Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide). Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo walang naitatalang untoward incident ang kapulisan batay sa report na ipinadala ng […]
-
Pagbati bumuhos matapos magkampeon si Alex Eala sa W25 Chiang Rai
BUMUHOS ang pagbati kay Filipina tennis player Alex Eala matapos na magkampeon sa W25 Chiang Rai sa Thailand. Tinalo kasi nito si Luksika Kumkhum ng Thailand sa score na 6-4, 6-2. Ito na rin ang pangalang international Tennis Federation (ITF) champion title ni Eala kasunod ng pagkawagi nito sa W15 Manacor […]
-
Ads April 5, 2024