• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rep. Velasco: ‘Tahimik lang akong nagtatrabaho bilang paggalang sa term-sharing agreement’

Nagsalita na rin si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa gitna ng patutsada ng kampo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ang nasa likod nang ouster plot laban sa liderato ng Kamara.

 

Sa isang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa simula pa lang nang mabuo ang gentleman’s agreement nila ni Cayetano sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng 18th Congress ay pinili na lamang niyang manahimik bilang respeto na rin sa nakaupong lider ng Kamara.

 

Gayunman, ang pananahimik niyang ito ay hindi naman nangangahulugan na hindi na siya interesado o kanya nang tinalikuran ang term-sharing agreement nila ni Cayetano.

 

Bilang paggalang sa kanilang kasunduan, hindi rin niya hinangad na makipagkumpetensya pa kay Cayetano sapagkat naniniwala siyang may tamang panahon din na nakalaan para sa kanya.

 

Hindi naman aniya wasto para gawing sukatan sa kanyang ladership style ang pagiging tahimik sa pagtatrabaho at pagsuporta sa administrasyon, pati na rin sa pagsasakatuparan sa legislative agenda ni pangulong Duterte.

 

Tiyak na mkikita naman aniya ng kanyang mga kasamahan sa Kamara ang kanyang pamamaraan sa oras na matuloy ang kanilang term-sharing agreement ni Cayetano, na nakatakda na sa darating na Oktubre.

 

Sa kabilang dako, kahapon, sa plenaryo ng Kamara binuweltahan ni Capiz Rep. Fredenil Castro si Velasco at iba pang kongresista hinggil sa umano’y ouster plot laban kay Cayetano.

 

Sinabi ni Castro na sa nakalipas na 15 buwan ay wala naman aniyang naitulong talaga si Velasco kaya malabo aniya na sundin nila ito sa oras na maupo ito bilang lider ng Kamara.

 

Ginagamit lamang aniya ni Velasco ang pangalan nito pati si Pangulong Rodrigo Duterte para pagtakpan ang kakulangan sa credentials.

Other News
  • Senior citizens, hirit ibaba sa 56-anyos sa halip na 60

    PARA mas maaga at mahabang panahon na mapakinabangan ang mga benepisyo, nais ni Sen. Bong Revilla na ibaba sa 56-anyos ang edad ng senior citizen sa halip na 60 taong gulang. Sa Senate Bill 1573 ni Revilla, bukod sa pagpapababa ng edad ay nais din niyang dagdagan ang mga benepisyo. Sa sandaling maisabatas, lahat ng […]

  • Ads April 27, 2022

  • Ads May 11, 2024