Repasuhin ang Philippines-Japan Economic Agreement (PJEPA), apela ni Speaker Romualdez
- Published on June 20, 2024
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na repasuhin ang Philippines-Japan Economic Agreement (PJEPA) upang mabawasan, kung hindi man tuluyang maaalis, ang taripa na ipinapataw sa produktong agrikultural ng Pilipinas na ibinebenta sa Japan.
Ginawa ng lider ng Kamara ang apela sa kanyang pakikipagpulong sa mga mambabatas ng Japan na bahagi ng Philippines-Japan Parliamentarians’ Friendship Society (PJPFS), na pinangunahan ni Chairman Hiroshi Moriyama, isang miyembro ng House of Councilors, National Diet, na isinagawa sa parliamentary building ng Japan noong Martes ng hapon.
Umaasa si Romualdez na ang gagawing pagrepaso ay magpapaganda sa termino ng mga produktong agrikultural ng Pilipinas, partikular ang saging.
Sinabi ni Romualdez na bumaba ang market share ng saging ng Pilipinas sa Japan, mula 80 porsyento ay bumaba sa 78 porsyento.
Nais ng Pilipinas na maparami pa ang produktong agrikultural ng bansa na naibebenta sa Japan, na isa sa pinakamalaking importer ng agricultural product sa mundo.
Ang target ay makapag-export ang Pilipinas sa Japan ng isda at mga tropical fruits gaya ng pinya, avocado, mangga, durian, mangosteen, at okra.
Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng Japan sa Pilipinas, na ikalawa sa pinakamalaking trade partner nito bukod pa sa pagiging pangunahing pinanggagalingan ng Official Development Assistance (ODA).
Ayon pa sa lider ng Kamara nang magsimula ang COVID-19 pandemic ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay bumaba ng 12 porsyento.
Tinanggap naman ni Chairman Moriyama, isang dating agriculture minister, ang kahilingan na repasuhin ang PJEPA.
Nagpahayag ng pag-aalala si Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano, na kasama rin sa pagpupulong, sa malaking pagbaba sa ini-export na saging ng Pilipinas sa Japan sa mga nakalipas na taon.
Ayon kay Chairman Moriyama ang pagtugon sa mga hamong ito ay posibleng mas maging competitive ang saging ng Pilipinas sa merkado ng Japan.
Bagama’t ang Pilipinas at Japan ay bahagi ng Regional Comprehensive Economic Partnership, ang PJEPA ay nakikita na mas epektibong plataporma upang tugunan ang naturang isyung pangkalakalan.
Ang panawagan ni Speaker Romualdez na repasuhin ang PJEPA sa pagbisita nito sa Tokyo ay isa umanong pagpapakita ng seryosong suporta nito upang mapalago ang lokal na sektor ng agrikultura at mapalakas ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Japan.
Kumpiyansa ang lider ng Kamara na magiging paborable sa Pilipinas ang magiging tugon ng Japan lalo at “all-time high” ang bilateral relasyon ng mga ito ngayon matapos ang makasaysayang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Japan, at Amerika noong Abril.
Si Chairman Moriyama ay sinamahan ng iba pang miyembro ng Japan Parliament kabilang sina Vice Chairman Shinsuke Okuno, Director General Hirofumi Ryu, Secretary General Taku Otsuka, Deputy Secretary General Yamato Aoyama, at Executive Directors Kuniko Inoguchi, Rui Matsukawa, Kaname Tajima, Hideki Miyauchi, at iba pa.
Bahagi naman ng delegasyon ng Pilipinas sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, Navotas Rep. Toby Tiangco, House Secretary General Reginald “Reggie” S. Velasco, House Sergeant-at-Arms retired PMGEN Napoleon C. Taas, at iba pang opisyal ng Kamara. (Vina de Guzman)
-
Sec. Duque, hindi pa dapat maging kampante
HINDI pa rin dapat maging kampante si Health Secretary Francisco Duque III na hindi siya makakasama sa makakasuhan kaugnay sa iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, panimula pa lamang naman ang ginagawang imbestigasyon ng task force PhilHealth kaya’t malaki ang posibilidad na may susunod na irerekomenda na makakasuhan […]
-
FAILURE OF BIDDING SA OMR MACHINE
NAGDEKLARA ng failure of bidding ang Commission on Elections (Comelec) Special Bids and Awards Committee (SBAC) sa pagkuha ng karagdagang optical mark reader (OMR) machines para sa May 2022 elections. Inanunsyo ni SBAC chairperson, lawyer Allen Francis Abaya sa virtual opening ng bids ang kabiguang mag-bid matapos hindi magsumite ng kanyang bid ang nag-iisang bidder […]
-
New ‘Snake Eyes’ Character Poster Revealed Ahead of Teaser Trailer
PARAMOUNT Pictures revealed a new Snake Eyes character poster ahead of teaser trailer, in order to get G.I. Joe fans hyped for the upcoming origin story feature film. Snake Eyes will star Henry Golding (Crazy Rich Asians) in the leading role and take a deep dive into his origin story. Various G.I. Joe comic books offer different explanations for the […]