• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Residential building sa Malabon gumuho, 3 sugatan

ISANG 22-anyos na dalaga ang na-trap habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na residential building sa Malabon City, Linggo ng umaga.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue bandang alas-11:25 ng umaga nang ma-trap ng higit apat na oras matapos gumuho ang residential building sa 74 Orchids St., Brgy. Longos, dakong alas-7 ng umaga at dinala sa Ospital ng Malabon.

 

 

Kinilala naman ang dalawa pang sugatan na sina Rhodora Tumbukon at Francisco Catindoy na unang na-rescue ng mga tauhan ng Malabon Disaster Risk Reduction Management Office (MDDRMO) at Malabon Bureau of Fire Protection (BFP).

 

 

Sa tinanggap na report ni Col. Daro, ang bahay kung saan nakatira ang mga biktima ay nadamay lamang ng gumuhong istraktura na katabi ng kanilang bahay.

 

 

Ang mga pamilyang nakatira sa gumuhong residential building ay binubuo ng lima mula sa Esilio family at apat mula sa Morada family na hindi naman nasaktan matapos agad makatakas bago gumuho ang istraktura.

 

 

Personal namang binisita ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pinangyarihan ng insidente para alamin ang kalagayan ng mga biktima at pinayuhan ang mga residenteng nakatira malapit sa gumuhong gusali na pansamantalang iwanan ang kanilang mga bahay hanggang matapos ang imbestigasyon at assessment na isinasagawa ng Malabon BFP at City Engineering Office.

 

 

Bumisita din sa nasabing lugar si Cong. Jaye Lacson-Noel para kamustahin ang mga biktima habang patuloy naman imbestigasyon sa insidente subalit, naniniwala ang mga awtoridad na mahinang pundasyon ng gusali ang posibleng dahilan ng pagguho. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga kawani ng gobyerno hindi na papayagang makalabas

    APRUBADO na ang Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines na may kinalaman sa inaasahang pagpapatupad ng pilot implementation para sa gagawing alert level system sa NCR.     Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ang naturang policy shift na naka- takdang gawin sa mga susunod na araw ay magiging dalawa na lamang ang magigiging quarantine […]

  • Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo

    NAG-CONCEDE na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.     Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang […]

  • Walang maling paggamit ng OVP confi funds- VP Sara

      PINANINDIGAN ni Vice President Sara Duterte na walang maling paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) noong 2022.     Sinabi ito ni VP Sara bilang tugon sa inihayag ni House Deputy Minority Leader France Castro, araw ng Biyernes na ang kabiguan ng una na sumunod sa rules para sa […]