Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.
Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance sa mga tinamaan ng bagyong “Ulysses” at “Rolly” nitong 2020.
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.
Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance sa mga tinamaan ng bagyong “Ulysses” at “Rolly” nitong 2020.
Ang nasabing resolusyon — na iba ang bisa sa isang panukalang batas — ay ibinalangkas nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago at ACT Teachers Rep. France Castro nitong Disyembre.
Merong P13.7 bilyong “hindi nagastos” na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa “Assistance to Individuals in crisisa Situation” (AICS) program na maaari raw ipamahagi ng gobyerno sa mga nasalanta ng Typhoon Rolly at Ulysses, ayon sa six-member Makabayan bloc sa Kamara.
-
300MT bigas para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’ dumating na mula Japan
MAGKASAMANG sinalubong nina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal ang pagdating ng 300 metriko toneladang Japanese rice sa ilalim ng inisyatiba ng Asean Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) initiative sa NFA warehouse sa Valenzuela City. Ang bigas na ito ay dadalhin at […]
-
Nabakante ni DSWD REX GATCHALIAN, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC)
CARETAKER sa iiwang distrito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC). Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na makikipag-ugnayan sila sa NPC para talakayin ang gagawing pagtatalaga ng caretaker sa congressional post na binakante ng bagong DSWD secretary. […]
-
Inter-agency council, binuo para tukuyin ang government lands na angkop para sa mass housing
LUMIKHA ang national government ng isang Inter-agency Coordinating Council na mangangsiwa sa ‘accounting’ at paglikha ng master’s list ng government lands na maaaring gamitin para sa mass housing. Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Jose Rizalino Acuzar na ang naturang hakbang ay bahagi ng intensyon ng pagpapalabas ng Administrative […]