Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin ng maayos; ima-maximize- PBBM
- Published on October 10, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na gagamitin ng maayos ng gobyerno ang bawat resources para sa South Commuter Railway Project .
“With the signing of these packages, we demonstrate to our people that we are serious about pursuing large projects for infrastructure to foster growth and revitalize our economy, in spite of the adjustments that we have had to make to compensate for the shocks that the world situation has brought to the Philippines,” ayon sa Pangulo sa isinagawang contract signing para sa South Commuter Railway Project ng North-South Commuter Railway sa Laguna.
“Indeed, those efforts will all redound to the fulfillment of a more united and dynamic nation. I join our people in anticipating the eventual progress and completion of this railway project. As your President, I will make sure that every resource that will be used here will be maximized for the success of this entire endeavor,” wika pa ng Pangulo.
Sinabi ng Chief Executive na “the South Commuter Railway Project is expected to contribute in seamlessly transporting passengers from Clark, Pampanga and Calamba City, Laguna, and all the train stations in between.”
Ang South Commuter Railway Project, kinabibilangan ng 56 kilometro sa pagitan ng Maynila at Laguna, naglalayong bawasan ang travel time sa pagitan ng dalawang lugar mula tatlong oras sa isang oras na lamang.
Tinatayang makakapag-accommodate ito ng 340,000 pasahero kada araw.
Itinuturing na ito ang pinakamalaking Asian Development Bank infrastructure-funded project sa Asya, nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa multilateral lender para sa tulong sa Pilipinas.
“Those partnerships are something that we hold very, very valuable, and for that, I once again have to thank them for their continuing interest in the Philippines and their continuing assistance and support and belief in the Philippines and the future of the Philippines,” ang wika ng Pangulo.
“We welcome this development at a time when we are going — and we have used this phrase often — full speed ahead towards modernization and our transport system and we are reclaiming our lives from the COVID-19 pandemic. This is what all of this truly means,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, tinawagan ng pansin ng Pangulo ang Department of Transportation, ang lahat ng concerned agencies, local government units, at maging ang partners at iba pang stakeholders, na tiyakin ang maayos at tapat na implementasyon ng proyekto. (Daris Jose)
-
Ads September 30, 2024
-
Order na bakuna na Astrazeneca ng mga LGU, sa isang taon pa darating
SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca. Sa 2022 […]
-
Daniel Quizon, tinanghal bilang pinakabagong chess GM
TINANGHAL bilang pinakabagong Chess Grand Master ng bansa ang 20-anyos na binata mula sa Cavite na si Daniel Quizon. Nakamit nito ang nasabing Grand Master rank ng maabot ng 2,500-rating barrier at matapos na talunin niya si Russian-born Monegasque GM Igor Efimov. Si Quizon ang pinakahuling Pinoy Grand Master kasunod nina Oliver Barbosa […]