• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Restored version ng ‘Anak Dalita’, mapapanood sa libreng video-on-demand

BILANG pagtugon sa hiling na habaan ang ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), at dahil sa pagdagdag sa lineup na mayroong 170 na pelikula, at para mapaunlakan ang final fine-tuning ng ibang pelikula sa PPP Premium Selection section, extended na ang festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) mula sa 16 na araw hangang 44 na araw.

 

Ang PPP4 ay magaganap mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.

 

Mas maraming mapapanood ang subscribers dahil may idadagdag na pelikula sa peak hours at weekends, at matututo rin sila tungkol sa filmmaking at Pelikulang Pilipino mula sa industry experts sa pamamagitan ng events gaya ng talkback sessions, panel sessions, at masterclasses.

 

Ang online PPP ngayong taon ay magkakaroon ng mixed for- mat sa FDCP Channel platform (fdcpchannel.ph). Ang libreng video-on-demand (VOD) streaming ay para sa 80 na short films at para sa isang full- length feature: ang restored ver- sion ng “Anak Dalita” (1956) ni National Artist for Theater and Film Lamberto V. Avellana.

 

Ang libreng screening ng “Anak Dalita” ay mapapanood sa Sandaan section sa buong PPP4 duration at bilang parte ng Sagip Pelikula Advocacy Campaign ng ABS-CBN na may pakikipagtulungan sa LVN Pictures, Inc.

 

Ang libreng VOD streaming ay available mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.

 

Samantala, ang iba pang full- length features ay magkakaroon ng scheduled livestream screenings sa apat na virtual cinemas (na pinagalanan sa Cinematheque Centres ng FDCP). Hindi lalagpas sa anim na screenings sa bawat pelikula ang napagkasunduan ng producers at FDCP para ma-minimize ang exposure sa piracy. Ang paid scheduled screenings ay mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13.

 

“We are listening to our subscribers, producers, and the rest of our stakeholders in order to make the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino a more inclusive solidarity event. Aside from announcing the PPP4’s extended duration, we are also push- ing forth the ‘Sama All’ spirit by offering a wide array of events to further promote Philippine Cinema, encourage more viewers to learn about the art of filmmaking, and boost the thriving PPP community,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

 

Mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 31, magkakaroon ng PPP Short Film Showcase ng Philippine shorts mula sa CineMarya Women’s Film Festival, Sine Kabataan Short Film Competition, at 21 na regional film festivals.

 

Tampok sa CineMarya Shorts Premiere ang 12 na finalists ng CineMarya, isang short film lab na inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government na may pakikipagtulungan sa FDCP, Quezon City Film Development Council, at Philippine Commission on Women.

 

Limang short films naman ang ipalalabas mula sa Sine Kabataan ng FDCP: ang mga nagwagi sa nakaraang tatlong edisyon nito kasama ang 2019 Jury’s Choice at Audience Choice. Sa Regional Shorts, 63 na pelikula mula sa iba’t ibang regional film festivals sa buong Pilipinas ang magbibigay ng spotlight sa regional cinema.

 

Simula Nobyembre 20, mapapanood ng PPP subscribers ang lahat ng feature films sa sumusunod na sections: PPP Premium Selection, Romance, Youth and Family, Classics, Pang-Oscars, Genre, Bahaghari, Tribute, Documentaries, PPP Retro, at Special Feature para sa “Mula sa Kung Ano ang Noon” ni Lav Diaz na higit sa limang oras.

 

Magkakaroon ng scheduled livestream screenings ang feature films sa pamamagitan ng apat na PPP vir- tual cinemas na pinangalanan sa Cinematheque Centres ng FDCP sa Manila, Iloilo, Davao, at Nabunturan.

 

Mayroong subscriptions options ang PPP4 na para sa lahat: ang mga nais manood ng pelikula at pumunta sa events sa buong duration ng festival na may 44 na araw, ang mga gustong manood at sumali sa events pero kulang sa oras, at ang mga nais makapag-access sa libreng content.

 

Free Pass – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, at PPP Public Events

 

Day Pass (PHP 99) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase maliban sa Premium Selection titles, at Dalawang (2) Virtual Cinematheque Screens; valid para sa 24 na hours mula sa date of purchase at available simula Nobyembre 20

 

Half-Run Pass (PHP 299) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase maliban sa Premium Selection titles, Dalawang (2) Virtual Cinematheque Screens; valid para sa 12 na araw mula sa date of purchase at available simula Nobyembre 20

 

Premium Festival Pass (PHP 599) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screen- ing, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase kasama ang Premium Selection Showcase, Lahat ng Virtual Cinematheque Screens, Lahat ng Exclusive PPP Events (Q&A Sessions kasama ang Premium Showcase Cast at Director, Panel Sessions, Masterclasses/Lectures, Exclusive Access sa PPP Grand Virtual FanCon, at 15% off sa PPP Merchandise); valid para sa buong festival duration *May Early Bird Rate (PHP 450) para sa Premium Festival Pass na available hanggang Nobyembre 8.

 

Inanunsyo rin ng FDCP na mayroong discounts sa Premium Festival Pass at Half-Run Pass — 30% para sa mag-aaral at 20% para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs). Magkakaroon din ng PPP4+1 Bundle promo.

 

Sa pamamagitan ng extension ng PPP4 at pagdagdag ng screenings at events calendar nito, nais ng FDCP na makakuha ng suporta mula sa mas maraming manonood at stakeholders para sa film festival na magbibigay ng 100% ng gross proceeds sa producers ng mga kalahok na full-length films. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng lindol, pinangunahan ni PBBM

    PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang distribusyon ng  relief goods sa mga biktima ng  magnitude 7 earthquake na umuga sa lalawigan ng Abra, araw ng Miyerkules.     Sa kanyang naging pagbisita sa lalawigan ng Abra, namahagi si Pangulong  Marcos ng  relief packs  matapos ang  pakikipagpulong  nito sa mga lokal na opisyal  na  nagpaabot […]

  • Swedish Armand Duplantis nabasag ang sariling record sa World Championships

    NABASAG ni Armand Duplantis ang kaniyang sariling pole vault world record sa World Championships.     Nagtala ito ng 6.21 meters na record o mas mataas ng isan centimeters sa dating world record nito na ginawa noong Marso sa World Indoor Championships.     Tiyak na ang pagkuha ng Swedish pole vaulter sa kaniyang unang […]

  • Ads January 18, 2022