RESTOS PWEDE NANG MAG-OPERATE LAGPAS SA CURFEW
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
PINAYAGAN na sa Navotas city ang mga delivery, take-out at drive-thru services ng mga restaurants at iba pang food establishments ng lagpas sa 8PM–5AM citywide curfew hours.
Sa ilalim ng Executive Order No. 044 ay pinapayagan na ang mga food establishments na mag-operate lagpas sa curfew hours upang makapag-deliver ng pagkain sa loob at labas ng lungsod, at makapagsilbi ng take-out at drive-thru services only sa mga authorized persons outside of residence (APOR).
Sakop din ng order ang mga kainan sa loob ng grocery stores at supermarkets na mayroong delivery services.
Gayunpaman, ang dine-in na lagpas sa curfew hours ay ipanagbabawal, at ang mga hindi APOR ay bawal ding bumili ng pagkaing take-out o drive-thru mula 8PM-5AM.
“Mayroon pa ring nangangailangan sa mga serbisyo ng pagkain sa oras ng curfew na mga nagtatrabaho sa gabi, kabilang ang mga doktor, nars, iba pang health personal, driver ng ambulansya, call center agents, security guard at mga nagtatrabaho sa Navotas Fish Port Complex,” ani Mayor Toby Tiangco.
Kinakailangang mahigpit na ipatupad ng mga food establishments ang social distancing at iba pang safety protocols, at kailangan ding magsagawa ng masusi at regular na sanitation at disinfection. (Richard Mesa)
-
2 milyon pa lang ang nabigyan ng Covid-19 booster sa PinasLakas campaign ng DOH
HIGIT 2 milyong katao pa lang ang nabakunahan ng booster shot sa ilalim ng PinasLakas campaign ng Department of Health. Nasa 2.1 milyon pa lang ang nakakuha ng booster shot sa loob ng 23 milyong target mabakunahan sa unang 100 days ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Oktubre. Nasa 25,638 pa […]
-
Mylene Paat ng Chery Tiggo, bagong Team Captain
Mga laro sa Pebrero 4: (Smart Araneta Coliseum) 4:00pm — Akari vs Choco 6:00pm — Creamline vs Petro Gazz SI Mylene Paat na ang panibagong mukha ng Chery Tiggo kasunod ng pagkakahirang rito bilang MVP sa nagdaang Reinforced Conference. Kaya naman muli siyang sasandalan ng koponan sa darating na pagbubukas ng 2023 season […]
-
PBBM, ipinag-utos ang QUICK RELIEF ASSISTANCE para sa ‘isolated’ na pamilya sa TANAY, RIZAL
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong sa pamilya na hindi maabot ng relief assistance sa Sta. Ines, Tanay bunsod ng hindi madaanang lansangan. Sa situation briefing sa San Mateo, Rizal ukol sa epekto ng bagyong Carina at Habagat sa lalawigan, […]