‘Restrictions’ sa COVID situation sa NCR, ‘di pa puwede luwagan
- Published on May 27, 2021
- by @peoplesbalita
Bumubuti na ang sitwasyon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).
Ito ay ayon sa OCTA Research Group kung saan mula sa high risk area ay ibinaba na rin ito sa moderate risk area para sa COVID-19.
Ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research Group, ang seven-day average ng Metro Manila para sa mga bagong COVID-19 cases kada araw ay bumaba na sa humigit-kumulang 1,100 na mayroong positivity rate na 10%.
Ang reproduction rate naman ay nasa 0.57 na kaya pasok na ang NCR sa moderate risk category.
Pero sa kabila nito, nilinaw ni David na hindi nila inirerekomenda sa pamahalaan na luwagan na ang mga restriction.
Sa ngayon, nasa ilalim pa ng general community quarantine (GCQ) na mayroong “heightened” restrictions hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo.
Sa oras kasi na luwagan pa lalo ang restrictions, maaaring aniyang mabaligtad ang trend na mayroon sa kasalukuyan sa NCR at posibleng maging banta pa sa pandemic management.
Kahit pasok na sa moderate risk area ang Metro Manila sa kasalukuyan, sinabi ni David na dapat ay matuloy pa rin ang pagbakuna sa 50% ng NCR, sa Lungsod ng Tuguegarao, Santiago, Baguio pati na rin ang Cainta, Cebu at Imus.
Ang mga local government units na ito ay “under threat” na rin kasi aniya nang surge ng COVID-19 cases. (Daris Jose)
-
VILMA, marami pang dapat i-consider sa balitang pagtakbo bilang Senador
MATAGAL na namin itong gustong itanong kay Alden Richards pero wala lang kaming chance. Wala kasing event si Alden na pwede naming siyang puntahan para tanungin. Hindi talaga namin ma-reconcile na Alden Richards, who has a very wholesome image, is endorsing an intoxicating drink. Hindi lang naman siya ang […]
-
“Halloween Ends” Brings Back Jamie Lee Curtis In Her Iconic Role
AFTER 44 years, the most acclaimed, revered horror franchise in film history reaches its epic, terrifying conclusion in “Halloween Ends” – an Ayala Malls Cinemas exclusive starting October 12. “Halloween Ends” brings back Jamie Lee Curtis in her iconic role as Laurie Strode as she faces off for the last time against the […]
-
EDCA site sa Surigao del Norte, panawagan ng mambabatas
MULING nanawagan ang isang mambabatas na magtayo ng naval facility sa Surigao del Norte upang maprotektahan ang silangang bahagi ng bansa mula sa smugglers at foreign intruders sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at United States. Ang apela ay ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman […]