RESUMPTION O IPAGPAPATULOY LIMITADONG FACE- TO-FACE CLASSES NG UNIVERSITY OF STO TOMAS, TULOY NA
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
MATAPOS aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso para sa partial resumption ng face to face classes sa University of Santo Tomas ay tiniyak naman ng pamunuan ng unibersidad na masusunod ang itinatakdang panuntunan ng pamahalaan laban sa corona virus disease o covid 19.
Ito ang pahayag ng pamunuan ng UST na lumabas sa official student newspaper na The Varsitarian kung saan sinisigurong masusunod ang itinatakdang protocol ng Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease at ng Commission on Higher Education o CHED .
Sa ilalim ng partial resumption of classes, kabilang sa magsasagawa ng face-to-face classes ay ang internship, clerkship, practicum sa mga sumusunod na kurso: medicine, medical technology, physical therapy at nursing.
Sa naturang publication, ipinunto ng UST na higit na maihahanda ang mga estudyante
lalo ang mga doktor at health professional na makapagbibigay ng mahusay na serbisyo sa kanilang mga pasyente sa hinaharap at makapagliligtas ng maraming buhay.
Nakasaad rin sa naturang post na magpapalabas na ng tamang guidelines ang UST sa stakeholders sa sandaling maaprubahan na ito ng IATF at CHED. (GENE ADSUARA)
-
Bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce: Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, nasa ‘high alert’
INILAGAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa ‘high alert’ bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce. “Salubungin natin ang Bagyong Marce na may ibayong paghahanda, sa abot ng ating makakaya, alinsunod sa mga matagal ng nailatag na mga patnubay sa ganitong hamon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. […]
-
Pagpapatuloy ng face-to-face classes sa 39 Metro Manila schools ‘generally smooth’- DepEd
SINABI ng Department of Education (DepEd) na “generally smooth” ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes sa ilang piling public at private schools sa National Capital Region (NCR). “Overall assessment was smooth and learners are excited to go back to schools,” ayon kay DepEd Human Resource and Organizational Development Officer-in-Charge (OIC) Wilfredo Cabral. […]
-
Sara Duterte, nanumpa na bilang ika-15 na bise-presidente ng Pilipinas
NANUMPA na si Sara Zimmerman Duterte-Carpio bilang ika-15 bise presidente ng Republika ng Pilipinas sa pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando. Nagbigay ng maikling talumpati si VP Sara at nanindigan sa kaniyang pagmamahal sa bayan. “Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — […]