• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reynang-reyna sa 15 million Youtube subscribers: IVANA, mas pinili na ‘wag mag-allow ng politics or election-related content sa vlog

WALA nang iba pang reyna ng Youtube sa mga artista kung hindi ang sexy actress na si Ivana Alawi. 

 

 

Nag-post si Ivana last Thursday sa kanyang Instagram account na 15 million na ang kanyang Youtube subscribers.

 

 

“Happy 15 million subscribers on Youtube!!!”

 

 

At parang pa-bonus ba niya o pasasalamat sa mga subscribers or followers niya ang picture na ipinost na talagang lumuluwa na ang kanyang boobs at halos aninag ang kanyang nipples sa suot na white dress o lingerie.

 

 

Eh, ang paglalaba ng walang bra ang isa sa nagpainit ng kasisimulang Youtube channel pa lang ni Ivana noong 2020.

 

 

Sa isang banda, kung may isang hahangaan sa Kapamilya sexy actress/vlogger, ito ay ang hindi niya paggamit ng kanyang Youtube channel sa pulitika kumpara sa ibang artista na talagang pinagkakitaan ang mga accounts nila para sa kampanya at mga ini-interview na pulitika.

 

 

Ewan kung aaminin ni Ivana, pero halos lahat yata ng mga tumatakbo ngayon mula sa pinakamataas na posisyon ay nag-o-offer at nagwi-wish na ma-feature sa kanyang Youtube channel.

 

 

Pero ang alam namin, mas pinili ni Ivana na ‘wag na lang mag-allow ng politics or election-related content sa kanyang channel.

 

 

***

 

 

BINASA namin ang mga comments ng netizens sa pagiging vocal ni Jake Ejercito sa kandidato sa pagka-Presidente na napili niyang suportahan.

 

 

Very vocal si Jake na si VP Leni Robredo ang kanyang iboboto o sinusuportahan.  Very evident ito sa mga social media posting ni Jake.

 

 

Kung tutuusin, matapang si Jake at tila ipinapakita ang pagiging independent niya pagdating sa sarili niyang choice kahit alam naman ng lahat ang political affiliation ng kanyang ama na si dating President Erap Estrada at gayundin ng kanyang mga kapatid.

 

 

Ang recent tweet ni Jake, “Never be so loyal that you betray your country.”

 

 

Siyempre, may mga nati-trigger talaga kapag nagtu-tweet o nagpo-post si Jake ng openly support niya kay VP Leni.

 

 

May nag-comment kay Jake na, “Your leni just said papakulong niya yun mga anak at pamilya ng magnanakaw. kasama ka at si ellie dun. evaluate your candidate before you take a stand!”

 

 

Pero halos lahat ng comments ng netizens kay Jake, puro paghanga.

 

 

“Gwapo na, may paninindigan pa.”

 

 

“Goals, maging Daddy kahit walang partner. Pero mas goals yung #voteforLeniRobredo.”

 

 

“Nice jake!!! iba ka tlaga.”

 

 

“Crush  ko sya dati   ngayon Love  ko  na,  may Prinsipyo  at Paninindigan.”

 

 

“Jake, the only Ejercito that matters.”

 

 

***

 

 

MUNTIK nang mabudol o ma-scam ang actor na si Rocco Nacino gamit ang pangalan ni Gabby Eigenmann. 

 

 

      Merong nagpapanggap na siya si Gabby at nangungutang kay Rocco ng 10,000 pesos. Mabuti na lang, hindi agad-agad nagpahiram si Rocco o posibleng nakatunog na may nanloloko sa kanya.

 

 

Bukod sa siguro, napaisip din ito bakit biglang mangungutang sa kanya si Gabby ng halagang 10k.  So, ang ginawa ni Rocco, nag-send siya ng message kay Gabby asking kung ito nga ang nagme-message sa kanya.

 

 

Pinost ni Gabby sa kanyang Facebook account ang screenshot ng conversation nila ni Rocco. At sabi ni Gabby, “Got a call from my friend @nacinorocco, asking if i was the one messaging him on telegram.. sad to say there’s this person using my name and profile pic asking for money.

 

 

“Pls do not entertain any messages from this person pretending to be me. Kung sino ka man tigilin mo na ang pangloloko sa mga tao, mas doble ang balik sa karma..”

 

 

Nag-comment naman ang kapatid ni Gabby na si Max Eigenmann sa screenshots ng scammer at sinabing dapat daw, mag-aral ito ng tamang grammar, huh!

(ROSE GARCIA)

Other News
  • SSS sa mga miyembro, magsimula nang mag-impok para sa retirement

    HINIKAYAT ng State-run Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na simulan na ang mag-impok para sa kanilang retirement sa ilalim ng muling ipinakikilalang savings program na maaaring umani ng mas mataas na annual return.       Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Macasaet na ang mga miyembro ay […]

  • LRT-1 tigil biyahe sa Disyembre 3-4

    INIANUNSYO kahapon ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na ititigil muna nila ang pagbiyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Disyembre 3, Sabado, at Disyembre 4, Linggo,     Sa abiso ng LRMC, na siyang private operator ng LRT-1, pansamantalang sususpindihin ang operasyon ng rail line sa susunod na weekend […]

  • ‘Pinoy Tasty’ at ‘Pinoy Pandesal’ may taas presyo na

    IPINAGTANGGOL  ng grupo ng mga panadero ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang “Pinoy Tasty: at “Pinoy Pandesal”.     Mayroon kasing P40.50 ang presyo ng Pinoy Tasty mula sa dating P38.50 kada balot hbang ang Pinoy Pandesal ay nasa P25.00 kada balot na mayroong P1.50 ang pagtaas.     Ang nasabing dagdag presyo isang […]