• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘RFID installation, mananatili sa kabila ng Nov. 30 deadline

Walang dapat ipangamba ang mga motorista na hindi pa rin nakakapagpakabit ng radio frequency identification (RFID) sticker.

 

Ayon kay Atty. Romulo Quimbo, ang chief communications officer ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), nilinaw nito na mananatili pa rin ang sistema ng RFID installation.

 

Nabatid na hanggang November 30, ang pinalawig na deadline ng Department of Transportation sa pagpapakabit ng RFID para sa autosweep ng San Miguel Corporation at easytrip tags ng MPTC.

 

“Itong RFID system natin is here to stay, even after December 1, magkakabit po tayo ng RFID. Ito na po ang magiging sistema natin kaya po, ah.. nagpapasalamat ako sa pagkakataon dahil po ang RFID po natin magkakabit po tayo, December, December 25, January, February, March,” paliwanag ni Quimbo.

 

Malinaw na halimbawa aniya rito ang mga bibili pa lamang ng sasakyan na tsaka pa lamang din makakapagpakabit ng RFID sticker.

 

Gayunman, umapela ang MPTC na paunahin na lamang ‘yaong mga regular na dumadaan sa mga expressway gaya ng mga pumapasada dahil may mga pasahero, gayundin ang mga pumapasok sa trabaho, mga truck at container, dahil parte na ito ng kanilang pang-araw araw na routine.

 

Habang ang mga mapapadaan lang dahil mamamasyal o magbabakasyon lalo ngayong Christmas season ay sa mismong araw na lamang ng biyahe magpakabit.

 

“So it’s not a matter of mawawala ‘yung RFID, it will remain, it will be our system moving to the future,” dagdag pa nito.

 

Ang autosweep tags ay para sa mga toll gate sa Skyway, South Luzon expressway (SLEx), STAR Tollway, Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx), Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).

 

Habang ang ang easytrip sticker ay para naman sa mga dadaan sa North Luzon Expressway (NLEx), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), Cavite Expressway (CAVITEx), C5 Southlink, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

 

Other News
  • FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.

    Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.”   Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face […]

  • Work-from-home, angkop at mabuti lamang sa panahon ng pandemya-PSAC

    HINIKAYAT ng Private Sector Advisory Council (PSAC) ang mga empleyado ng pamahalaan na magbalik na sa kani-kanilang tanggapan at suportahan na ang work -from- office (WFO).     Sinabi ng PSAC na ang work- from- home  ang isa sa dahilan ng pagbagal ng ekonomiya.     Sa katunayan, sinabi ni PSAC Lead for Jobs at […]

  • ‘Zack Snyder’s Justice League’ Complete Character Posters, Streaming in PH On HBO GO

    HBO recently unveiled the last of the character posters for Zack Snyder’s Justice League.     Now that the gang is complete, we finally have a glimpse of Wonder Woman and Cyborg in all their glory in the black and white key art after the teasers for Batman, Superman, Aquaman, and The Flash. Plus the […]