• May 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libre pasahe sa MRT-3, LRT-2 at PNR sa bakunadong APOR sa Aug. 3-20

Magkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng libreng pasahe para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na bakunado na simula ngayong araw, Agosto 3 hanggang Agosto 20.

 

 

Ito ay batay na rin sa kautusan mismo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

 

 

Aniya, maaaring maka-avail ng libreng pasahe sa naturang rail lines ang isang APOR kahit nakakaisang dose pa lamang ito ng COVID-19 vaccine.

 

 

Upang maka-avail ng libreng pasahe, kinakaila­ngan lamang aniya na iprisinta ng mga APOR ang kanilang vaccination cards bilang patunay na sila ay nakatanggap na ng bakuna.

 

 

Samantala, magkakaloob naman ang Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) ng libreng kape, tubig at snacks para sa mga vaccinated persons na naghihintay ng kanilang biyahe sa mga pantalan at paliparan. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM, tinukoy ang pangangailangan na madaliin ang water security sa Pinas

    MAY pangangailangan na madaliin ang “water security” sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Muling inulit ng Chief Executive ang direktiba nito na madaliin ang pagkompleto sa water projects sa bansa.     Kasalukuyan ngayong nasa Davao City ang Pangulo para pangunahan ang inagurasyon ng Davao City Bulk Water Supply Project.   […]

  • Agad naman niyang sinunod at bumili ng sapatos: HEART, sinabihan ng ama ng ‘Be Happy’ at pinabili ng Christmas gift

    PAGKATAPOS na mag-post ni Kathryn Bernardo ng very emotional long letter para sa kanyang Lolo Sir, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, sinagot ito ng actor sa kanyang Instagram account din.   Tinawag niyang pang-forever 5th apo na raw niya si Kathryn.   Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Gracious Kathie! Anu b yan? […]

  • Grizzlies nasungkit ang panalo laban sa Mavericks

    Abot langit ang tuwa ng Memphis Grizzlies matapos nitong talunin ang katunggaling Dallas Mavericks sa score na 112-108 sa pagbubukas ng isang home-and-home series ng NBA.       Sa simula pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas kaagad si Desmond Bane at  umiskor ito ng 25 points habang si David Roddy naman ay nakapag […]