• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RFID sa NLEX mataas na ang detection capability

Pinaganda at mas mataas na ang detection capability ng RFID na ginagamit sa North Luzon Expressway (NLEX), ang unit ng Metro Pacific Tollways Corp., upang mabigyan ang mga motorista ng magandang customer experience sa mga toll gates.

 

 

 

“We have finished installing RFID early detection features in 188 toll lanes, completing the current RFID upgrading project at the toll lane level throughout the NLEX and Subic-Clark-Tarlac Expressway network,” ayon sa pamunuan ng NLEX.

 

 

 

Ang proyekto ay may ginawang masinsinan na pag-aaral sa aspeto ng engineering review kung saan nakita ang mas epektibong positioning ng RFID antennas at sensors upang mas madaling malocate ang RFID sticker na nakalagay at nakakabit sa mga sasakyan.

 

 

 

Kumapara sa dating RFID, ang RFID scanners ngayon ay puwedeng malaman ng advance hanggang tatlong (3) sasakyan at mas madaling madetect at maproseso ang toll rate transactions.

 

 

 

“Part of the commitment to our customers is to consistently improve our electronic systems and services, providing them with a better experience each time they travel,” saad ni NLEX president at general manager Luigi Bautista.

 

 

 

Maliban sa paglalagay ng mas epektibo at magandang RFID, ang NLEX ay naglagay din ng driver-friendly contactless terminals upang maiwasan ang mga RFID scanner glitches.

 

 

 

Kailangan lamang na ipatung ang kanilang Easytrip card sa mga nasabing terminals upang maiwasan ang unnecessary queuing sa mga toll lanes.

 

 

 

Noong nakaraang taon, ipinagutos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng cashless transactions simula noong Dec.1, 2020 upang mabigyan ng proteksyon ang mga tao mula sa pandemic.

 

 

 

Subalit maraming naging problema ang simula ng pagpapatupad ng nasabing cashless transactions.

 

 

 

Ayon kay DOTr secretary Arthur Tugade na hindi talaga nila maiiwasan ang pagkakaron ng cash booths para sa mga emergencies. Ang NLEX ay mayron pa rin na mga cash lanes sa kanilang toll plazas.

 

 

 

Sinabi naman ng SMC na mayron din silang isang cash lane kada toll plaza upang ang mga sasakyan na walang RFID stickers ay mapayagan pa rin pumasok at mabigyan ng Autosweep stickers at upang maiwasan ang pagsisikip ng traffic sa sa mga toll plazas.  LASACMAR

Other News
  • Djokovic pasok na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championship

    PASOK  na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championships si Serbian tennis star Novak Djokovic.     Tinalo kasi nito si Lorenzo Museti ng Italy sa score na 6-3, 6-3.     Ito ang unang laro ni Djokovic ngayong taon matapos na ito ay ma-deport sa Australia nitong Enero dahil sa hindi pagsiwalat […]

  • Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics

    Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.     Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine.     Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang […]

  • Spurs sunog sa Heat

    KUMAMADA si center Bam Adebayo ng season-high 36 points para banderahan ang Eastern Conference-leading Heat sa 133-129 paggupo sa San Antonio Spurs.     Nag-ambag si Tyler Herro ng 27 markers para ibangon ang Miami (40-21) mula sa 16-point deficit at resbakan ang San Antonio (24-37).     May 27 points din si Jimmy Butler […]