• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RHJ, Brownlee muling magtutuos sa Comm’s Cup

HINDI magwawakas sa katatapos lamang na Season 49 PBA Governors’ Cup Finals ang duwelo nina Best Imports Rondae Hollis-Jefferson ng TNT Tropang Giga at Justin Brownlee ng Barangay Ginebra.

 

 

Muli kasi silang magtutuos sa darating na PBA Commissioner’s Cup na magbubukas sa Nobyembre 27 tampok ang mga imports na may unlimited height.

 

 

“Man, I hope so. We definitely would want to get back in the finals and would love to get a shot at them again,” sabi ng 36-anyos na si Brownlee sa 29-anyos na si Hollis-Jefferson.

 

Muling tinalo ni RHJ at ng Tropang Giga si Brownlee at ang Gin Kings sa PBA Governors’ Cup Finals, 4-2, sa ikalawang sunod na pagkakataon.

 

 

“With that performance, we are thinking of bringing him back,” ani TNT team manager Jojo Lastimosa kay RHJ na nagtala ng 31 points, 16 rebounds, 8 assists at 2 steals sa kanilang 95-85 pagsibak sa Ginebra sa Game Six. “That’s the plan.”

 

 

Bukod kina Hollis-Jefferson at Brownlee, ang iba pang balik-imports ay sina George King ng Blackwater at Ricardo Ratliffe ng Magnolia.

 

 

Muli ring isasalang ng San Miguel si Bennie Boatwright para sa kanilang title defense kasama sina NBA veteran Ed Davis ng NLEX, Donovan Smith ng Phoenix at Cheick Diallo ng Converge.

 

 

Ngunit bago gabayan ang Gin Kings ay babanderahan muna ni Brownlee ang Gilas Pilipinas sa darating na FIBA Asia Cup qualifiers kontra sa New Zealand at Hong Kong.

Other News
  • ER ng private hospitals higit 100% puno na

    Lagpas na sa 100% ang kapasidad sa operasyon ng maraming pribadong pagamutan ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa nararanasang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na may ilang ospital pa nga ang nasa 130%-150% na ang operasyon ng mga […]

  • Ads January 13, 2022

  • Publiko walang dapat ikabahala sa financial system ng mga bangko sa PH – BAP

    Tiniyak din ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na walang dapat ikabahala ang publiko sa mga bangko dahil matibay umano ang financial system sa bansa.   Ginawa ng mga grupo ng mga bangko ang pahayag kasunod nang nabulgar na pamemeke ng ilang junior officer kung saan nakaladkad ang BDO Unibank at Bank of the […]