• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIA, muli na namang napasabak sa pagbabalik-‘MMK’ kasama si JAKE, aabangan din sa series na ‘Viral’

MULI na namang napasabak sa pag-arte si Ria Atayde sa kanyang pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya (MMK) after more than two years.

 

 

Makakatambal niya si Jake Cuenca at makakasama nila si Malou de Guzman sa natatangi nitong pagganap sa episode ngayong gabi na may titulong “Monster In Law.”

 

 

Si Jake ang gaganap na anak ng beteranang aktres at Ria naman ang manugang niya.

 

 

Magiging matamis pa nga ba ang maasim na samahan ng mag-biyenan?

 

Tikman ang sarap ng pagmamahal ngayong Sabado ng FEB-IBIG.

 

Napapanood ang MMK tuwing 9:00 p.m. sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (free live-streaming), iWant TFC (on-demand streaming), at A2Z Channel 11 (free and digital TV in Mega Manila).

 

 

Isa lang ito sa apat kuwento na matutunghayan sa MMK sa buwan ng FEB-IBIG. Kasunod ng episode nina Ria at Jake ang “Love and Adulting” nina Charlie Dizon at Jameson Blake (Pebrero 13), “Love Scam” nina Dimples Romana at Ketchup Eusebio (Pebrero 20), at “Millennial Queer Women” nina Nathalie Hart at Jane Oineza (Pebrero 27).

 

 

Unang sumabak ni Ria sa MMK noong May 28, 2016 sa episode na ‘Puno ng Mangga’ kasama sina Matt Evans at Joseph Marco, na kung saan nanalo siya ng Best New TV Personality sa Star Awards for TV.                    Sa MMK episode na ‘Damit’ noong July 22, 2017, gumanap naman si Ria bilang Hershey Hilado na kung saan napalaban siya sa matinding dramahan.

 

 

Kasama rin siya cast ng ‘Portrait’ noong April 14, 2018 na pinagtambalan nina Ian Veneracion at Angel Aquino.

 


Bago matapos ang taon, nangyari na nga ang kauna-unahang pagsasama ng real life siblings na sina Ria at Arjo Atayde, sa episode na ‘Korona’ na pinalabas noong December 8, 2018. Ginampanan nila ang Sibuyan siblings na sina Armin at Rosedel na kung saan pareho silang pinuri.

 

 

Anyway, pagkatapos ng kani-kanilang episode sa MMK, magkakasama pala sina Jake Cuenca, Ria, Charlie, Jameson at Dimples sa Kapamilya series na Viral na malapit na ring mapanood sa Kapamilya channels at A2Z Channel 11.

 

 

Ka-join din sa cast sina Markus Paterson, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Kaila Estrada, Vance Larena at marami pang iba. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Operasyon ng mga power generation plant sa Albay, nananatiling normal – Malakanyang

    NANANATILING normal ang operasyon ng mga power generation plant sa lalawigan ng  Albay.     Sinabi ng Presidential Communications Office, (PCO), wala namang problemang naiulat pa sa ngayon sa Albay kung pag- uusapan ay power supply.     Sa katunayan aniya ay normal ang operasyon ng Tiwi Geothermal plant at ang Bac-man geothermal power plant. […]

  • KORINA, proud na proud na pinost ang kanyang white bathing suit shot; fresh episodes ng ‘Rated Korina’ dapat abangan

    MAY pasabog na naman na IG post si Korina Sanchez-Roxas bago matapos ang Tag-init na kung saan proud na proud niyang ibinalandra ang series of photos na suot ang white one-piece bathing suit.     May caption ito ng, “Just sayin’. At my age, I don’t think twice about posting a good bathing suit shot. […]

  • 21 na kaya goodbye na sa pagiging ‘baby boy’: DARREN, nanggulat sa pasabog na daring at sexy pictorial

    PASABOG si Darren Espanto ngayong 21 year old na siya.     After nga niyang magpa-party, aba, may hinahanda pala itong bonggang pasabog sa kanyang mga tagahanga.     Bigla na lang nag-post si Darren sa kanyang Instagram account ng mga topless photos niya. Nag-effort talaga itong magpa-pictorial at ang simpleng caption niya ay “21.” […]