• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rice traders, makikipagtulungan sa gobyerno sa pagbibigay ng abot-kayang bigas

MAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) sa gobyerno sa pagbibigay at pagbili ng abot-kayang bigas para sa mga mamimili.

 

 

Sinabi ni PRISM lead convenor Rowena Sadicon na nakikipagtulungan sila ngayon sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) kung paano masusuportahan ng grupo ang Executive Order 39 na inilabas ni Pangulong Marcos.

 

 

Iniaatas ng EO ang presyo ng milled rice sa P41 at P45 para sa well-milled rice.

 

 

Ang parehong EO ay nagtatakda ng mga parusa para sa mga lalabag, kabilang ang mga pagkakakulong na hanggang 10 taon at multang hanggang P1 milyon.

 

 

Ani Sadicon, mayroon silang mga network ng mga retailer at ito ang kanilang minomonitor at sinisigurado na magkakaroon ng supply ng bigas.

 

 

Inamin ni Sadicon ang kahirapan sa pagsunod sa utos ng Pangulo at ipinaliwanag na ang kasalukuyang stock ng bigas ng mga retailer ay binili sa mas mataas na presyo. (Daris Jose)

Other News
  • PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs

    PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs (PWUDs) na nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagpapasya na talikuran nila ang kanilang bisyo at gumawa ng bagong buhay para sa kanilang sarili at kanilang pamilya. (Richard Mesa)

  • Ads September 10, 2020

  • PNP chief ipinagbawal na rin ang Christmas party pero may cash gifts sa mga police personnel

    WALA nang Christmas Party sa Philippine National Police (PNP).   Ito ang binigyang-diin ni PNP chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompaniya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19.   Sinabi ni Cascolan, maiintidihan naman ito ng mga police personnel kung wala munang […]