• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RICHARD, binangungot ng ilang ulit bukod sa hirap na dulot ng Covid-19

SA kanyang vlog ay kinuwento ng aktor na si Richard Yap ang naging experience niya noong magkasakit siya with COVID-19 noong March 2020.

 

 

Nagkasakit daw si Richard noong bumiyahe last year from Cebu to Manila.

 

 

“When I came back, after a day I was feeling bad already. I was coughing. I felt feverish. Itong klaseng fever, ibang klase kasi it’s the kind that your body is so hot.

 

 

When you wake up, pawis na pawis ka. Hindi ‘yung ordinany na kaunting pawis lang, as in basa. Basa talaga pati ‘yung kama mo, basang basa.

 

 

“It was really the coughing that was really bad. ‘Yun talaga ang hirap and then I started having difficulty breathing.

 

 

“I went to MakatiMed (Makati Medical Center) and they said hindi ka pwede may kasama. Ikaw lang mag-isa. So ‘yun, I was just dropped off. Iniwan akong mag-isa. Ganoon kahirap because baka mahawa ‘yung mga kasama mo.      

 

Hindi pwede na may kasama ka so even though may sakit ka, wala kang pwedeng mautusan. It’s just you and the people at the hospital, the nurses the doctors and all that.

 

 

“Ang hirap because kahit gutom ka, wala ka naman mautusan na bumili ng pagkain mo. Ang hirap pa sa ER kasi isa lang ‘yung restroom and the restroom was dulo-dulo. I was here sa dulo tapos lalakad ka sa kabilang side, so I had to take off my oxygen.”

 

 

Naranasan pa raw ng aktor na mabangungot sa loob ng kanyang kuwarto sa ospital.

 

 

“Ang problema naman, there was something in the room. Hindi ako makatulog noong gabi na ‘yun. Binangungot ako ng five times that night. Every time I’d go to sleep, I wake up because of the nightmares. Iba ‘yung nightmare, parang papatayin ka. Sabi ko, hindi yata ako mamamatay sa COVID. Mamatay ako dito sa bangungot!

 

 

“I didn’t want to sleep pero sa sobrang pagod na, makakatulog ka ulit. Pagtulog mo ulit, babangungutin ka na naman. I’d have the nightmare again. It was different nightmares every time I fall asleep.

 

 

“You could say, maybe siguro sasabihin ng ibang tao it was hallucinations. Pero I was sleeping in the ER, I didn’t have those nightmares. I was sleeping in the second room that they gave me, I had no nightmares whatsoever.”

 

 

***

 

 

NAKA-RECOVER na sa COVID-19 ang comedienne-turned-politician na si Angelica Jones at ang anak niyang si Angelo.

 

 

Nag-negative na ang huling RT-PCR swab test nila.

 

 

Pero ang kanyang inang si Beth Jones ay patuloy na nakikipaglaban sa naturang sakit sa ICU ng ospital.

 

 

Sa kanyang Facebook, nagpasalamat si Angelica sa mga nagdasal at tumulong sa kanila financially. Humiling pa ito ng dasal para sa kanyang ina.

 

 

“Ngunit ang kinalulungkot po namin di pa namin kasama ang aking Ina sa paguwi. Mananatili pa rin ang aking Ina sa ICU intubated. PLEASE CONTINUE TO PRAY FOR MY MOM. Lord i Trust you… YOU HEAL MY MOM. I LOVE YOU LORD.”

 

 

***

 

 

TULONG pinansyal ang kailangan naman ng action TV-movie director na si Toto Natividad.

 

 

Nag-post sa Facebook ang kanyang anak na si John Isaac Natividad at humihingi ng tulong para sa amang kailangan ma-confine sa ospital.

 

 

“Ako po ay mapagkumbababang humihingi ng tulong po para sa aking ama na si Direk Toto Natividad, kailangan po ma-confine ni papa sa ospital. nahihirapan po kami ngayon makahanap ng ospital dahil puno po lahat. baka po makahingi ng tulong niyo.”

 

 

May agad na nagbigay ng contact numbers ng One Hospital PH para matawagan ito ng pamilya ni Direk Toto.

 

 

May nag-organize din ng isang GoFundMe account para sa medical fund ng batikang direktor.

 

 

“para kay papa. For local donations you can also send thru the ff: BPI John isaac natividad 4129266126; SECURITY BANK John isaac natividad 0000018329616; BDO Anne Maybel Reyes Credit Acct#  007418011650; GCASH Marinette de Guzman (0917) 426 6210.”

 

 

Kilala si Direk Toto bilang box-office action director ng mga malalaking action movies noong ‘90s na pinagbidahan nina Cesar Montano, Eddie Garcia, Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Ian Veneracion, Lito Lapid, Joko Diaz, Jay Manalo at Victor Neri.

 

 

Sa TV ay naging direktor siya ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at ng Cain at Abel nila Dingdong Dantes at Dennis Trillo. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 20 Pinay, nailigtas mula ‘surrogacy scheme’ sa Cambodia – Embahada

    NAILIGTAS ng Cambodian National Police noong huling bahagi ng Setyembre ang 20 Filipina na dinala sa Cambodia para sa surrogacy scheme.   Ang ‘surrogacy’ ay isang sayentipikong pagpupunla ng mga cell ng dalawang magulang na hindi na kayang magkaanak sa ibang babaeng pwedeng manganak   Sinabi ng Philippine Embassy sa Cambodia na naligtas ng Cambodian […]

  • VACCINATION CARD SA MAYNILA, HINDI MAPEPEKE

    TINIYAK  ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi mapepeke ang iniisyu ng Manila LGU na vaccination card sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.     Ayon sa alkalde, ang Manila LGU ay may ginagawang paraan na upang hindi mapepeke ang vaccination card.     “Modesty aside, Manila has the most effective vax passport […]

  • Pinay tennis star Alex Eala umangat ang ranking sa WTA

    Umangat ang WTA ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.       Mula sa dating 737 noong nakaraang buwan ay nasa 715 na siya ngayon. Ito na ang pinakamataas na ranking na narating ng 15-anyos na tennis player.       Noong nagsisimula pa lamang ang taon ay nasa ranked 1190 ito. Nag-improve ang […]