• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RICKY GUMERA, umani ng papuri kaya sulit kahit may ‘frontal nudity’

HAPPY si Ricky Gumera, isa sa mga lead stars ng Anak ng Macho Dancer, sa magandang feedback ng netizens sa kanilang pelikula na nagkaroon ng digital screening last January 30.

 

 

Pero ikinalungkot din niya na na biktima ng piracy ang Godfather Productions dahil maraming nag-download ng copy ng Anak ng Macho Dancer at ibinenta ito online.

 

 

“Hindi naman po tama na i-pirate nila ang pelikula na hindi naman sa kanila. Piracy is a crime kaya sana ay ihinto na nila ang pag-pirate sa pelikula namin,” sabi ng baguhang sexy actor na umani ng papuri sa kanyang performance sa Joel Lamangan film.

 

 

Kwento ni Ricky, hindi raw siya ang dapat na lalabas sa role na eventually ay sa kanya napunta. Kaya lang nag-backout ang newbie na unang napili sa role upon learning na may frontal nudity.

 

Nabasa daw niya ang script at nagulat siya na mas magandang role pala ang naibigay sa kanya. Yun nga lang, may frontal nudity na kailangan.

 

Hindi naman nagdalawang-isip si Ricky dahil nagandahan siya sa script at sa kanyang role. Plus factor din na ang premyadong si Direk Joel is the one calling the shots. Kaya wala na siyang kiyeme at tinanggap ang role kahit na may frontal nudity.

 

Very thankful ang baguhang actor sa papuring kanyang natanggap. Mahusay raw ang acting niya at umaarte ang kanyang mga mata.

 

Nagulat nga si Ricky sa positive feedback sa kanyang performance pero alam naman daw niya na marami pa siyang dapat na matutunan pagdating sa acting.

 

Kaya naman promise ng binate na gusto pa niyang mag-acting workshop in preparation sa kanyang first solo starrer na Anak ni Totoy Mola.                                     

 

Napanood daw niya ang Totoy Mola at humanga siya sa acting ni Jay Manalo. Kaya gusto niyang paghandaan ang kanilang pagsasama sa naturang pelikula.

***

 

 

ARTISTA na rin si Angelina Cruz, ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.               

 

“I am super grateful to be given this project,” wika ni Angelica na part of the cast of the new CIGNAL TV and TV 5 sitcom na John en Ellen.                                                

 

“I am excited to work sa sitcom and be with Tito John (Estrada) and Tita Ellen (Adarna) na napapanood ko lang dati pero now kaeksena ko na sila.”         

 

           

Aminado si Angelica na may nerbyos siyang nung first time niya mag-taping. Hindi pa kasi siya comfortable sa kanyang Tagalog.

 

 

“But I am working on it. Nagpapaturo ako sa Mom ko to speak Tagalog better,” sabi pa ng dalaga.

 

Since her parents are both actors, hindi naman dapat masurpresa kung maging interesado rin siyang mag-artista. Actually, Angelica started out as a singer. Unang sabak niya sa acting ang John en Ellen. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Halos 700 mga private schools, sarado muna ngayong school year -DepEd

    Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging pansamantala lamang ang pagsuspinde muna ng nasa halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa sa kanilang operasyon ngayong school year.   Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nagsabi na raw sa kanila na hindi raw muna sila magbubukas ngayong […]

  • DOTr: Libreng sakay sa mga trains extended muli hangganag Sept. 15

    Pinahaba muli hanggang September 15 ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa mga trains ng mga pasaherong fully vaccinated.       “The DOTr extended the free rides for vaccinated authorized persons outside of residence or APORs at the Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2 and […]

  • Philippine sovereign debt, tumaas ng P14.5 trillion

    NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang  “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyero para tustusan ang  financing requirement nito.     Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr).     Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa , tumaas ng […]