Giit ni Pdu30, walang magic bullet laban sa Covid- 19 pandemic
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang “magic bullet” para resolbahin ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) health crisis.
Kaya ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay dagdagan pa ang pasensiya hanggang maging available ang bakuna.
Sa public address ni Pangulong Duterte ay tiniyak nito sa publiko na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang Covid-19 pandemic sa pamamagitan ng recalibrating ng health system strategies.
Inamin ng Chief Executive na hindi perpekto ang gobyerno sa pagtugon sa hamon na dala ng pandemiya subalit ginagawa naman aniya ng pamahalaan ang lahat ng magagawa nito para labanan ang pandemiya.
“There is no magic wand or if you want a stronger statement a — the magic bullet, a silver bullet, that will solve our problems. May sinubukan tayo since we are not perfect,” aniya pa rin.
Samantala, umaasa naman si Pangulong Duterte na ang China o ang Russia ang magbibigay sa Pilipinas ng kani-kanilang bakuna sa oras na makumpleto na ang clinical trials.
“Malapit na ‘yan. Russia, China, I dunno if anybody, alam ko lang yung dalawa, nag-announce na meron sila at ready and they’re willing to help. Both countries lumabas ng statement na tulungan nila ako,” anito.
Ani Pangulong Duterte, handa siyang mangutang ng pera para bayaran ang vaccines kung hindi ito ibibigay ng libre.
“Kung may bayad, dahil marami masyado, utangin natin. Credit nalang or hanap tayo ng loan but if it’s not, I’m sure that they are willing to give us that privilege of borrowing from them,” aniya pa rin.
-
Pumanaw na after makipaglaban sa sakit… Iconic na boses ni MIKE, mami-miss at ‘di na maririnig
PUMANAW na ang veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez noong nakaraang August 29 sa edad na 71. Nakilala si Mike dahil sa pagiging lead anchor ng mga news and public affairs program ng GMA-7 na Saksi, 24 Oras, Super Radyo DZBB at Imbestigador. Higit na 50 years na sa news broadcasting career ni […]
-
Mas kaunting bilang ng teenage pregnancies dahil sa bigilante, pandemya- POPCOM chief
TINUKOY ni Commission on Population and Development (POPCOM) officer-in-charge Executive Director Lolito Tacardon na ang masigasig na pagbabantay ng publiko at ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic ang mga dahilan kung bakit bumagsak ang bilang ng teenage pregnancies na naitala sa bansa. Tugon ito ng POPCOM sa ipinalabas ng University of the Philippines […]
-
COVID-19 task force, pag-uusapan ang health package, insentibo para sa home quarantine
PAG-UUSAPAN ngayong linggo ng pamahalaan ang health packages at insentibo para sa mga taong naka-home quarantine dahil sa COVID-19. “Sa gaganapin na meeting [ng COVID-19 task force] ngayong Thursday, isa ‘yan sa mga pag-uusapan natin: first of all, iyong package, health package na puwede nating ma-offer for those who undergo home isolation,” ayon […]