• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDER DEDBOL SA TRAILER TRUCK

NASAWI ang isang 33-anyos na rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Amhangel Yaris, 33, ng sa 41 Samat St. Santo Domingo, Quezon city.

 

 

Sa ulat na isinumite ni traffic investigator P/Cpl. Dino Supolmo kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, mabilis na tinatahak ng biktima, sakay ng Yamaha Aerox motorcycle ang kahabaan ng 10th Avenue patungong A. Bonifacio dakong alas-2:45 ng madaling araw habang tumatahak naman sa 5th Street ang trailer truck galing ng C-5 Road patungong EDSA.

 

 

Pagsapit sa kanto ng 10th Avenue at 5th Street, sumalpok ang biktima sa kaliwang bahagi ng trailer truck na naging dahilan upang tumilapon sa sinasakyang motorsiklo at lumagapak sa sementadong lansangan.

 

 

Sa halip namang huminto para tulungan ang biktima, mabilis na pinaharurot ng driver ng trailer truck ang minamanehong sasakyan patungo sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Iniutos na ni Col. Mina ang pagsusuri sa mga nakakabit na close circuit television (CCTV) camera sa lugar na posibleng nakahagip sa insidente upang matukoy ang plate number ng sasakyang nakasalpukan ng nasawing biktima. (Richard Mesa)

Other News
  • MEDICAL CANNABIS AVAILABLE NA SA BANSA

    IBINUNYAG ni Dr. Gen Marq Mutia, presidente ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine, na dapat malaman ng lahat, malaman ni First Lady Liza Araneta Marcos at Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na available na ang medical cannabis sa bansa.     Sa Media Health Forum sa Quezon City nitong Lunes, sinabi ni Dr. Mutia, […]

  • DOTr: Mamadaliin ang pamimigay ng P2.5 B fuel subsidy sa mga tricycle drivers

    NANGAKO  ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista na sa lalong panahon ay maibigay ang P2.5 billion na fuel subsidy sa mga libo-libong tricycle drivers sa buong bansa.     Naganap ang pangako matapos ang matinding pagpapalitan ng debate sa nakaraang confirmation ni DOTr Secretary Bautista sa Commission on Appointments (CA). […]

  • ANDRE, longtime dream ang makapasok sa PBA tulad ng ama na si BENJIE

    DAHIL opisyal nang PBA player na si Andre Paras after siyang ma-draft sa Blackwater team, kikita ito ng higit na P3 million for two years sa pinirmahan niyang kontrata.     Mahahati nga raw ang panahon ni Andre between sports at sa showbiz. Kasalukuyang host si Andre ng GTV game show na Game of the […]