• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rider na naaksidente, arestado

KALABOSO ang isang lalaking naaksidente sa motorsiklo kasama ang angkas na babae matapos laitin ang rumespondeng mga pulis para tumulong sa Valenzuela city.

 

Si Gerald Ejan, 25 ng Road 3, Lingahan, Malanday ay sinampahan ng pulisya ng kasong unjust vexation, disobedience of lawful orders of persons in authority or their agents, paglabag sa R.A 4136 o driving without license at driving under the influence of alcohol sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

Sa tinanggap na report ni Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, habang nagsasagawa ng mobile patrol si P/SMSgt. Joel Taniongon at Pat. Mark Reiner Andres ng Dalandanan Police Sub-Station 6 nang atasan sila na tulungan ang nangyaring vehicular accident sa kahabaan ng G. Lazaro St. Brgy. Dalandanan dakong 1:10 ng madaling araw.

 

Pagdating sa lugar, nakita nila si Ejan na nakaupo sa simento habang ang kanyang angkas na kinilalang si Coleen Ablao ay walang malay dahil sa tinamong pinsala sa noo kaya’t tumawag ang mga pulis sa Valenzuela Rescue Team.

 

Habang naghihintay sa ambulansya, nagkamalay ang biktima at nag hysterical saka tinanong si Ejan kung bakit sila naaksidente.

 

Inawat ni Sgt. Taniongon si Ablao at sinabihan na maging kalmado dahil parating na ang rescue team subalit, namagitan si Ejan at nagsalita ng “Ulol, wala kayong kuwentang mga pulis,”.

 

Binalaan ng mga pulis si Ejan tigilan ang mga mapanirang salita sa kanila subalit, pagpatuloy pa rin ang suspek na naging dahilan upang arestuhin siya ni Sgt. Taniongon ngunit itinulak nito ang pulis.

 

Gayunman, nagawang siyang mapigilan ng mga pulis at pagdating ng mga rescue team ay dinala ang suspek at si Ablao sa Valenzuela Medical Center kung saan nadiskubreng positibo sa alcoholic breath test si Ejan at nalaman rin na walang driver’s license. (Richard Mesa)

Other News
  • Gilas Pilipinas tinambakan ang Hong Kong 93-54

    TINAMBAKAN ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong 93-54 para mapanatili ang walang katalo-talo sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.     Mula sa umpisa ay dominado ng Gilas Pilipinas ang laro kung saan ginamit ang tangkad nina Kai Sotto at Jun Mar Fajardo […]

  • Kapuso Royal Couple, nakabalik na from Eilat, Israel: DINGDONG at MARIAN, magsasama para mag-host ng year-end special ng GMA-7

    KAHAPON, December 15, bumalik na ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes  at Marian Rivera from Eilat, Israel, where the Kapuso Primetime Queen served as one of the all-female judges in the recently concluded 70th Miss Universe beauty pageant, na sinamahan naman siya ng hubby niyang si Kapuso Primetime King.      For sure ang […]

  • Kailangang pondo para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age bracket, huhugutin sa reserves ng gobyerno- DoF

    SINIGURO ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na budget ang gobyerno sakaling umarangkada na ang pagbabakuna sa mga teenager.   Pagtiyak ni Dominguez kay Pangulong Duterte, huhugutin sa reserves ang budget para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age group.   Aniya, sapat na ang reserve ng gobyerno […]