• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rider timbog sa baril-barilan at shabu sa Valenzuela

Kulong ang isang 44-anyos na rider matapos makuhanan ng baril-barilan at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Airsoft pistol/ illegal possesion of firearm), paglabag sa RA 9165 at Art 151 of RPC (Disobedience) ang suspek na kinilalang si Ramil Turba, 44, ng No. 32 Coleta St. Azicate Homes, Brgy. Gen T. De Leon.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PEMS Restie Mables kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 11:30 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng T. Conception St. Brgy. Marulas ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa pangunguna ni PSSg Jayson Enrile, kasama sina PCpl Alim Macud, PCpl Reynold Panao at PSSg Salvador Estaris sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Anthony Pinol Campado nang makita nila si Turba na nagmamaneho ng isang Honda Click motorcycle.

 

 

Nang parahin ni PCpl Macud ay hindi huminto ang suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas na naging dahilan upang agad itong harangin ni PSSg Enrile saka inaresto.

 

 

Nakita naman ni PCpl Panao na nakasukbit sa baywang ni Turba ang isang kulay silver na airsoft pistol (replica ng 45 caliber) kaya’t kinumpiska niya ito at nang kapkapan ay nakuha pa sa suspek ang isang aluminum tube na may kasamang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680 ang halaga at drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • VP Sara: Paggamit ng mga walang kredibilidad na testigo, itigil na

    HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na itigil na ang paggamit ng mga walang kredibilidad at kuwestiyonableng testigo upang sirain siya.     Tinukoy pa ni Duterte si Gloria Mercado na ­dating DepEd underse­cretary na ngayon aniya ay bahagi na ng political machinery laban sa kanya.     Ayon sa bise presidente, […]

  • 80% ng target population sa NCR, bakunado na – DILG

    Iniulat ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.     Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at […]

  • Tinawag pang ‘madam’ ang Kapuso Primetime Queen: HEART, nagpaabot ng pagbati sa pagbabalik-primetime ni MARIAN

    NAGPAABOT ng pagbati ang Kapuso actress at international fashion icon na si Heart Evangelista kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nagbabalik sa primetime sa pamamagitan ng ‘My Guardian Alien’ na nagsimula na noong Lunes, Abril 1. after ng ‘Black Rider’.     Sa short video na pinost ng GMA Network, nagbigay ng heart-warming message si Heart […]