Rider todas sa araro ng SUV sa Bulacan
- Published on July 20, 2020
- by @peoplesbalita
Patay ang isang 24-anyos binatang motorcycle rider matapos masagasaan at araruhin pa ng humaharurot na sports utility vehicle sa bayan ng Guiguinto.
Sa report ni Guiguinto acting chief of police, P/Maj. Rolando Geronimo, kinilala ang biktima na si EhdGlenn Fajardo, residente ng Wawa St. Bagong Barrio, Balagtas.
Tumakas ang driver ng puting Kia Sorento (UIL- 643) at inabandona ang sasakyan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente habang lulan sa motorsiklong Yamaha Nouvo Z ang biktima, bago maghatinggabi nitong Biyernes sa crossing ng Brgy. Poblacion, Guiguinto.
Base sa ibinahaging CCTV footage ni Michaela Alano, bandang 11:09 p.m. ay dahan-dahang paliko sa kaliwa ang rider mula sa Southbound nang banggain ng humaharurot na SUV.
Kita sa CCTV footage ang pagtilapon nang ilang metro ng biktima habang kinakaladkad ang kumikislap na motorsiklo.
Iniwan ng driver ang SUV sa Sitio Recoleto Uno, Brgy. Sta Rita na posibleng tumirik dahil sa tindi ng pagkakabangga sa motorsiklo.
Ayon sa report ng pulisya, nakarehistro ang sasakyan sa nagngangalang Bon Edralin Gulapa na naninirahan sa Sabang, Baliuag.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang driver ng SUV.
Humihingi naman ng hustisya ang kaanak ng biktima. Dick Mirasol III.
-
30th Fiba Asia Cup Qualifier 3rd window IATF may sey
IPINAHAYAG ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire Lunes ng hapon na nasa hurisdisksiyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases (MEID), ang pagsasagawa sa bansa sa hinaharap ng 30th International BasketballFederation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third and final window. Naunsiyami sa nakalipas na linggo […]
-
LALAKI, PATAY SA SUNOG SA PORT AREA
PATAY ang isang 40-anyos na lalaki sa isang malaking sunog na naganap sa Port Area na umabot sa limang oras . Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection (BFP) Huwebes ng tanghali natagpuan ang bangkay ng biktimang nakilalang si Ricky Sebastian, sa mga kabahayang nilamon ng apoy na hinihinalang na-trap sa loob. […]
-
Ads May 27, 2021