• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDING IN TANDEM. 1 PATAY, KASAMA ARESTADO

NASAWI  ang isang riding in tandem habang naaresto ang kasama nito matapos mambiktima ng estudyate sa Malate, Maynila .

 

Kinilala ang nasawi na si Joshua Mansal, 20  ng  1269 Bambang St. Tondo habaNg ang naarestong kasama nito ay si  Delber Sta. Rita, 21 ng 1748 A. Rivera St Tondo.

 

Nauna rito, naglalakad umano ang biktima na si Andrea Ferrer,18, estudyante,  sa Capitan Ticong St . nang hablutin ng mga suspek  na sakay ng motorsiklo  ang cellphone nito.

 

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Dagonoy St. habang nagsisigaw naman ang biktima ng “snatcher, snatcher” na nakaagaw sa atensyon ng mga tambay sa lugar  kaya hinabol ang mga suspek.

 

Nawalan naman ng kontrol ang minamanehong motorsiklo ng mga suspek at bumangga sa isang grab driver na si Renald Gutierrez.

 

Nang matumba sa kalsada, iniwan ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at tumakas patungong Leon Guinto Southbound nang tiyempo namang pumaparada ng sasakyan si Pcpl Symon Marasigan, nakatalaga sa MPD-DTMU na nakatira lamang sa lugar at narinig ang mga sigaw ng mga concern citizens na  ‘snatcher’  kaya hinarang nito ang papatakas na mga suspek at nagpakilalang pulis.

 

Gayunman nagtangkang may bubunutin sa dalang sling bag ang napatay na si  Mansal habang si Sta Rita naman ay inagaw ang baril sa beywang ni PCpl Marasigan.

 

Habang nagpapambuno ang pulis at Sta Rita, pumutok ang baril at tinamaan si Mansal sa ulo na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

Dito na naaresto si Sta Rita sa tulong na rin ng mga barangay tanod sa lugar .

 

Narekober naman ang cellphone ng biktima at iba’t iba  pang unit ng  cellphone na hinihinalang na-snatch ng dalawa sa iba pang nabiktima nila.

 

 

Nakumpiska din ang get away motorcycle ng mga suspek na Yamaha Mio scooter .

 

Sasampahan naman ng Robbery at Direct Assault ang naarestong suspek . (GENE ADSUARA)

Other News
  • P1 fare hike hindi pinayagan ng LTFRB

    HINDI PINAGBIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga grupo ng transportasyon na mabigyan sila ng P1 provisional minimum fare increase sa public utility jeepneys (PUJs).     Sinabi ni LTFRB executive director Maria Kristina Cassion na kanilang binigyan konsiderasyon ang assessment ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa […]

  • Parak kalaboso sa carnapping at shabu sa Malabon

    SWAK sa kalaboso ang isang pulis matapos arestuhin ng kanyang mga kabaro makaraang i-reklamo ng pangangarnap ng motorsiklo at makuhanan pa ng shabu sa Malabon City.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Jomar Castillo, 32, PNP Member, nakatalaga sa Pasig City Police Sub-Station 2 at residente […]

  • Ilegal na droga, “never-ending one” na problema ng bansa – PDu30

    PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians.   “But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate […]