• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Riding-in-tandem arestado sa pagwawala at pagpalag sa pulis

ARESTADO ang isang rider at angkas niyang bebot matapos magwala at pumalag sa mga pulis makaraang hindi pansinin ang isinagawang Oplan Sita habang sakay sa isang motorsiklo sa Malabon city.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naaresto na si Christopher Garcia, 40 ng Legarda St. Sampaloc Manila at Melani Nolasco, 30 ng Brgy. NBBS, Navotas city na kapwa nahaharap sa kasong Alarms and Scandal at Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of such Person.

 

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, dakong 10 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa Gov. Pascual corner Delmonte Ave., Brgy. Potrero nang mapansin nila papalapit na mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

 

 

Pinahinto ng mga pulis ang mga suspek subalit, hindi sila pinansin ng mga ito na naging dahilan upang habulin sila ng mga parak hanggang sa makorner sa kanto ng Pinagtipunan. Brgy. Potrero.

 

 

Dito, naamoy ng mga pulis ang mga suspek na amoy alak at nang i-isyuhan ang driver ng citation ticket para sa driving under the influence of liquor ay bigla na lamang nagwala at nag-iskandalo ang mga ito kaya’t inawat sila ng mga parak.

 

 

Gayunman, nagpatuloy pa rin ang mga suspek sa pag-iskandalo kaya napilitan ang mga pulis na arestuhin ngunit nanlaban at itinulak nila ang mga arresting officers hanggang sa magpambuno ang mga ito at magawa silang maposasan. (Richard Mesa)

Other News
  • US Sec. of State Blinken nasa Australia para patatagin ang relasyon sa mga Asia-Pacific allies

    NASA Australia ngayon si US Secretary of State Antony Blinken para makipagpulong sa Asia-Pacific allies.     Isa sa posibleng tatalakayin nito ay ang patuloy na pagpapalakas ng China ng kanilang militar.     Kabilang sa pagpupulong ang mga matataas na opisyal ng Japan, Australia at India.     Itinaguyod noon pang 2007 ang Quadrilateral […]

  • Miting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos Jr., bago ang inagurasyon, wala pang iskedyul-Andanar

    WALA pang naitatakdang araw at petsa sa meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presumptive president Ferdinand Marcos Jr.     “Wala pang sinasabi sa amin. We will wait for further announcement,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) at acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar.     “I don’t have information on […]

  • Wish ng fans na mabuntis na sa 2024: SARAH, hindi napi-pressure sa pagkakaroon ng baby

    MARAMING fans ni Sarah Geronimo ang nalungkot sa pagkaka-postpone ng concert nito kasama si Bamboo sa Clark, Pampanga. Medical reason ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang naturang concert. Inabisuhan daw si Sarah ng kanyang doktor na magpahinga muna. “Medyo nagkulang po ng preparations vocally and physically. so medyo it took a toll doon sa […]