• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Riding-in-tandem criminals yayariin ni Duterte!

TATAPATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga riding-in-tandem criminals sa bansa sa pamamagitan nang pagbili ng mabibilis na motorsiklo.

 

Sa kanyang mensahe sa bayan kamakalawa ng gabi, pinuna ng Pangulo ang pagtaas ng kriminalidad matapos luwagan ang ekonomiya na sinasamantala naman ng mga tandem o mga magka-angkas sa motorsiklo na gumagawa ng krimen.

 

“We have seen an upsurge of holdups, street crimes again it’s because of the liberality being offered by the opening of the economy. And of course, people are now allowed to roam freely and to travel. The most convenient way is really ‘yung motor. Kapag nakapatay sila, diretso sakay. I saw one footage ‘yung tinabihan lang,” anang Pangulo.

 

Balak ni Duterte na mas maging matigas sa pagtutok sa mga kriminal sa nalalabing dalawang taon ng kanyang panunungkulan.

 

“I really intend to go hard within the last two years of my term pati itong mga kriminal,” ani Duterte.

 

Aminado ang Pangulo na mahirap makontrol ang mga gumagawa ng krimen gamit ang motorsiklo na kayang lusutan ang buhol-buhol na trapik.

 

Isa sa solusyon na naisip ni Duterte ay ang pagbili ng mga 250cc na motorsiklo at pagsasailalim sa training ng mga highway patrol.

 

Ayon sa Pangulo, hindi dapat naka-uniporme ang mga ipakakalat na pulis upang hindi matunugan ng mga nagbabalak gumawa ng krimen. (Ara Romero)

Other News
  • Tinitilian sa shirtless scenes: JM, nagpakilig at pinamalas na naman ang husay bilang aktor

    GAGANAP bilang Mary Ann Armstrong si Carla Abellana sa Voltes V: Legacy.     Anak ni Mary Ann sina Steve, Big Bert at Little Jon sa kuwento ng Voltes V: Legacy na eere sa GMA ngayong May 8.     Hindi ba na-overwhelm si Carla na tatlong lalakiang anak niya sa series gayong sa tunay […]

  • DI-KWALIPIKADO NA KANDIDATO, MAAARING MAPALITAN BAGO HALALAN

    MAAARI  umanong palitan ang isang kandidato na madidiskwalipika bago ang halalan.     Ito ang paglilinaw  Comelec Senior Commissioner Rowena Guanzon, kaugnay sa ginawang pagbasura ng  Comelec Second Division ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa Eleksyon 2022 dahil sa kawalan ng merito.   […]

  • 3 patay sa sunog sa Caloocan

    TATLONG katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.   Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Beatris Oralio Alegria, 64, Vicente Junior Oralio Alegria, 65, at Althea Oralio, 3- anyos, pawang ng Kamagong St. Pangarap Village, Brgy. […]