• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 patay sa sunog sa Caloocan

TATLONG katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

 

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Beatris Oralio Alegria, 64, Vicente Junior Oralio Alegria, 65, at Althea Oralio, 3- anyos, pawang ng Kamagong St. Pangarap Village, Brgy. 182.

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ng mga biktima kung saan hindi nagawang makalabas sa kanilang bahay ang tatlo kaya’t kasama silang nasunog.

 

Kuwento ng dalawang kaanak ng mga nasawi, lumabas sila ng bahay para kumain subalit, pagbalik nila ay natupok na ng apoy ang kanilang bahay.

 

Dakong alas-2:34 ng madaling araw nang ideklara ng BFP na under control na ang sunog at tuluyang naapula bandang alas- 2:41 ng madaling araw.

 

Wala namang ibang bahay ang nadamay sa insidente habang tinatayang nasa P150,000.00 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

Ayon sa BFP, kabilang sa kanilang mga tinitignan na posibleng dahilan ng insidente ay napabayaang kandila dahil wala umanong kuryente ang naturang bahay at kandila ang gamit ng pamilya upang magka-ilaw. (Richard Mesa)

Other News
  • DOTr: Subway Project 26% complete

    Inihayag ng Department of Transportation na ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay may overall na 26 % ng kumpleto kung saan inaasahang magkakaron ng kumpletong operasyon sa third quarter ng taong 2027.       “The 2027 includes a two-year project liability period, or when the contractor is allowed to remedy defects after the […]

  • BOOSTER SHOT PARA SA 12-17 EDAD, OKAY NA SA DOH

    APRUBADO  na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng unang Pfizer booster para sa edad 12 hanggang 17 taong gulang.     Ito ang kinumpirma ngayon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Martes sa media viber group nang tanungin kung aprubado na nga ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng nasabing […]

  • Panukalang P5.2-T nat’l budget para sa 2023, isusumite sa Kongreso sa Aug. 22 – DBM

    ISUSUMITE ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang P5.2-T national  budget para sa 2023 sa Agosto 22, 2022.     “We will submit the budget to Congress on August 22,” ayon kay  Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang press conference kasunod ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting.     Ang […]