RIDING-IN-TANDEM KALABOSO SA SHABU
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang naarestong mga suspek na sina John Lester Lato, 19 at Vince Russell Fule, 20, kapwa ng San Jose Delmonte, Bulacan.
Base sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-5:30 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Tamaraw Hills, Brgy., Marulas, ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Tessie Lleva nang parahin nila ang mga suspek dahil kapwa walang suot na helmet habang magkaangkas sa isang motorsiklo.
Sa halip na sumunod, pinaharurot ng mga suspek ang motorsiklo na naging dahilan upang habulin sila nina PCpl Reymon Evangelista at Pat John Noe Martirez hanggang sa maaresto kung saan napag-alaman na walang driver license si lato.
Nang kapkapan, narekober sa mga suspek ang tig-isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga, isang weighing scale at itim na motorsiklo na may susi.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, Art 151 of RPC (Resistance and Disobedience), RA 10054 (Motorcycle Helmet Law of 2009) habang dagdag na ksaong paglabag sa Sec. 19 of RA 4136 (Failure to Carry Drivers License) ang kakarapin ni Lato. (Richard Mesa)
-
Libreng birth certificate, clearance ng PWDs, solo parents isinulong
PARA mabawasan ang mga gastusin ng mga persons with disability (PWD) at mga solo parents sa paghahanap ng trabaho, maghahain ngayong Lunes ang ACT-CIS Partylist ng batas para gawing libre na ang mga dokumento bilang job requirements para sa sektor na ito. Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin […]
-
Naging emosyonal nang balikan ang hinarap na pagsubok… NADINE, nahirapang magbuntis at muntik pang malaglag ang ikatlong anak
EMOSYONAL na binalikan ni Nadine Samonte ang mga hinarap niyang pagsubok bilang isang ina, kabilang noong sabihan siya ng doktor na hindi siya puwedeng magkaanak. At nang mabuntis, kamuntikan pang malaglag ang isa niyang anak. “Kasi sinabihan ako ng doctor na I can’t have kids noong 2013, 2014 hanggang 2015 na […]
-
“DUNGEONS & DRAGONS” GETS 100% FRESH RATING, HOLDS SNEAK PREVIEWS MAR 20 & 21
DAYS after its sensational premiere at the SXSW Festival where it captivated fans and critics, Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves will have a two-day special sneak previews in cinemas nationwide this coming Monday & Tuesday, March 20 & 21. Check out your favorite theaters for the screening schedule and admission prices. Catch these […]