Roach hanga kay Marcial; gold sa Olympics, makukuha
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si Hall of Fame trainer Freddie Roach na masusungkit ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang inaasam nitong gintong medalya sa Olympics.
Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marcial upang hasain ang kanyang boxing talent sa ilalim ni Roach para sa paparating nitong professional debut fight at sa pagsabak nito sa 2021 Olympics.
“Eumir hits really hard. He’s a very slick southpaw,” ani Roach.
“He’s a pleasure to train. He has a good work ethic, he works his tail off and he soaks in everything he is taught.”
Matatandaang naibulsa ni Marcial ang silver medal sa 2019 AIBA world boxing championship at naging three-time gold medalist sa Southeast Asian Games.
Kamakailan ay sumakabilang buhay ang kapatid ni Marcial pero mas pinili nitong manatili sa US upang ipagpatuloy ang kanyang training na tinawag ni Roach na isang dedikasyon ng isang Pinoy sa larangan ng boksing.
“Just a few days into camp, his brother passed away and he decided to stay in camp instead of going back to the Philippines for the funeral,” ani Roach.
“I know he was hurting inside but that showed me his dedication to being the best. He wants to bring back Olympic gold and a world title belt back to the Philippines. He loves his country so much. He’s a gem,” dagdag pa ni Roach.
-
Synchronized ringing of bells at pagdarasal ng oration imperata, isasagawa
TINIYAK ng Archdiocese of Manila ang pangangalaga sa mananampalatayang apektado sa pagkansela ng mga malaking pagtitipon tulad ng Banal na Misa kasabay ng pagpapatupad ng community quarantine sa buong bansa upang makaiwas sa COVID-19. Sa pastoral letter na inilabas ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sinabi nitong kanselado ang mga Banal na Misa […]
-
Infected ng COVID sa buong mundo, 18.6-M na – reports
Umaabot na sa 18,691,686 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo. Sa nasabing bilang, 6,013,637 (99%) ang nasa mild condition at 65,437 (1%) naman ang nasa serious o critical condition. Habang ang mga binawian ng buhay ay umakyat na sa 703,374. Samantalang ang mga gumaling ay 11,909,238, matapos ang […]
-
First movie ng BarDa, hitik sa ‘kilig moments’: DAVID, happy na kasama muli si BARBIE at ‘di na mami-miss
HITIK daw sa kilig moments ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na ‘That Kind Of Love’. Kasunod ng success ng kanilang FiLay loveteam sa hit historical portal fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’, inaabangan na ng BarDa (Barbie and David ) fans ang unang pelikula nilang dalawa. […]