• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roach hanga kay Marcial; gold sa Olympics, makukuha

KUMPIYANSA si Hall of Fame trainer Freddie Roach na masusungkit ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang inaasam nitong gintong medalya sa Olympics.

 

Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marcial upang hasain ang kanyang boxing talent sa ilalim ni Roach para sa paparating nitong professional debut fight at sa pagsabak nito sa 2021 Olympics.

 

“Eumir hits really hard. He’s a very slick southpaw,” ani Roach.

 

“He’s a pleasure to train. He has a good work ethic, he works his tail off and he soaks in everything he is taught.”

 

Matatandaang naibulsa ni Marcial ang silver medal sa 2019 AIBA world boxing championship at naging three-time gold medalist sa Southeast Asian Games.

 

Kamakailan ay sumakabilang buhay ang kapatid ni Marcial pero mas pinili nitong manatili sa US upang ipagpatuloy ang kanyang training na tinawag ni Roach na isang dedikasyon ng isang Pinoy sa larangan ng boksing.

 

“Just a few days into camp, his brother passed away and he decided to stay in camp instead of going back to the Philippines for the funeral,” ani Roach.

 

“I know he was hurting inside but that showed me his dedication to being the best. He wants to bring back Olympic gold and a world title belt back to the Philippines. He loves his country so much. He’s a gem,” dagdag pa ni Roach.

Other News
  • Government IDs, kailangan sa voter registration

    HINDI na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpiprisinta ng company identification cards at sa halip ay pawang mga “government issued IDs” na lamang ang tatanggapin para sa muling bubuksan na voters registration sa susunod na buwan. Itinakda ang Comelec ang voters registration sa Pebrero 12 na magtatagal hanggang Setyembre 30, 2024. Ipatutupad naman […]

  • Mangrobang balik karera

    INAASIKASO ngayon ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tomas Carrasco Jr. ang mga badyet at papeles para sa Portugal training camp ni three-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Marion Kim Mangrobang.     Puntirya ng samahan na makahabol pa sa world qualifying races ang 29 na taon at taga-Laguna na triathlete […]

  • JOHN, ginawaran ng ‘Natatanging Hiyas ng Sining sa Pelikula’: SHARON at DINGDONG, waging Best Actress at Best Actor sa ‘6th GEMS Awards’

    INIHAYAG na ng GEMS Awards ang mga nagwagi sa ika-6 na taon ng kanilang pagkilala sa mga mahuhusay sa larangan ng print, digital, tanghalan, radio, telebisyon at pelikula.     Narito ang winners sa TV and movie category ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) Hiyas ng Sining Awards:     Best News Program – 24 Oras (GMA) […]