• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo, ‘No regrets’ sa kabila ng OVP challenges sa ilalim ng administrasyong Duterte

“NO REGRETS”  si Outgoing Vice President Leni Robredo sa kabila ng mga hinarap na hamon ng kanyang tanggapan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

 

Sa  last episode ng kanyang  lingguhang radio program, sinabi ni Robredo na ang kakulangan ng suporta  mula sa ibang tanggapan ng pamahalaan ang dahilan para itulak ng kanyang tanggapan na humanap ng ibang paraan para magsilbi sa bayan.

 

 

“Looking back, ‘yung lahat ng mga kahirapan na binigay sa amin, actually, ayun ‘yung nagpahusay sa amin,” anito.

 

 

“Siyempre mas gugustuhin namin na kapag kailangan ng tulong ng opisina namin ay tutulungan kami. Pero dahil hindi kami tinuring na kakampi, hindi kami tinuring na bahagi ng pamahalaan, natuto kami na maghanap ng paraan. To my mind, ayun ‘yung nagpahusay sa amin,” dagdag na pahayag  nito.

 

 

Para kay Robredo, ang  lahat ng paghihirap na kanilang hinarap at naranasan sa nakalipas na anim na taon ay  “blessing in disguise.”

 

 

“Pero sa amin wala naman akong regrets. Gaya ng sinabi ko, lahat kami nag-agree sa Office of the Vice President, grabe ‘yung dinaanan namin. Ayaw na namin ikwento pa ‘yung dinaanan namin…‘Yung kahirapan talaga, ‘yun ‘yung blessing sa amin,”  aniya pa rin.

 

 

Ang  Office of the Vice President sa ilalim ni Robredo ay nakatanggap ng  pinakamataas na audit rating mula sa  Commission on Audit  para sa tatlong sunod na taon.

 

 

Sa kabila ng kakulangan sa pondo, nagbigay ang  OVP  ng online medical consultations, libreng COVID-19 swab tests, dormitories para sa healthcare workers, at iba pa.

 

 

Ang OVP ay kilala para sa  flagship nito sa anti-poverty initiative Angat Buhay,  kung saan isa na itong  non-government organization kasunod ng kanyang pagkabigo sa presidential bid.

 

 

“Kaya malakas ‘yung loob namin na gawin ‘yung Angat Buhay dahil nahasa na kami sa trabaho na halos walang tulong from the government pero maraming nagagawa,” ayon kay Robredo.

 

 

Ang  Angat Buhay organization ay nakatakdang ilunsad sa Hulyo 1, isang araw matapos ng pagtatapos ng kanyang termino. (Daris Jose)

Other News
  • CA natanggap na appointment papers nina DILG Sec. Jonvic Remulla at DTI Cristina Roque

    KINUMPIRMA ng Commission on Appointments na natanggap na nga nila ang mga appointment papers ng bagong talagang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Linggo, Oktubre 13.     At maging ang appointment papers ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque.     Ayon kay Surigao Del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel, […]

  • Grupo ng guro, hinimok ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro

    HINIMOK ng isang grupo ng mga guro ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro taun-taon sa susunod na limang taon.     Ito’y upang matugunan daw ang kakulangan ng mga pampublikong at pang-pribadong guro sa ating bansa.     Kung matatandaan, inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na plano […]

  • Mahigit P63-M halaga ng smuggled frozen foods mula Hong kong at China, nasabat ng Bureau of Customs

    NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P63 million halaga ng smuggled frozen foods na dumating sa Manila International Container Port (MICP) mula sa Hong kong at China.     Ayon kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nag-ugat ang naturang operasyon sa natanggap na intelligence reports ng Customs Intelligence and Investigation Service-MICP kaugnay sa […]