• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo, wala pang plano na magtrabaho sa gobyerno

WALA pang plano si Vice President Leni Robredo na pumasok sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

 

 

Ayon kay Attorney Ibarra Gutierrez, taga­pagsalita ni Robredo, hindi muna tatanggap ng anumang posisyon sa gobyerno si Robredo dahil nakasentro ang atensyon nito ngayon sa maayos na pagtatapos ng kanyang termino.

 

 

Ang pahayag ng kampo ni Robredo ay ginawa nang mapabalitang bibigyan ito ng posisyon sa Marcos administration.

 

 

“Well, that question is hard to answer since she is yet to be offered a government post. But for now, her focus ay ang maayos na pagtatapos ng kaniyang termino. ‘Yung kaniyang pagkakaroon ng maayos na transition at pagsasara ng lahat na programa ng OVP under her leadership,” sabi pa ni Gutierrez.

 

 

Anya, tutok din si Robredo sa pagiging private citizen na kikilos bilang bahagi ng isang civil society na sisikaping ipagpatuloy ang serbisyo sa mamamayan.

 

 

Plano ni Robredo na maglunsad ng non-go­vernment organization na tatawaging Angat Buhay sa darating na Hulyo 1, isang araw matapos niyang bumaba sa pagka-bise presidente.

 

 

Ang Angat Buhay ay isang anti-poverty program ng Office of the Vice President sa ilalim ni Robredo. (ARA ROMERO)

Other News
  • Quiboloy kasuhan ng sexual abuse, trafficking – DOJ

    IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.     Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagsagawa ng anunsiyo nito kahapon, sa isang pulong balitaan.     Ang kautusan […]

  • 500 Valenzuelanos nakatanggap ng tulong medical mula sa DSWD

    UMABOT sa 500 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at REX Serbisyo Center sa Valenzuela City Amphitheater.     Ang tulong medikal ay naging posible sa pamamagitan ng DSWD program Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Isang tulong para sa mga […]

  • Mga tinamaan ng mild cases ng COVID 19, limang araw na mas mabilis maka- recover sa sakit dahil sa Virgin coconut oil

    TINATAYANG aabot lamang ng limang araw ang mas mabilis na pag- recover mula sa corona virus ng isang indibidwal na tinamaan ng mild symptoms ng COVID 19 gamit ang virgin coconut oil.   Ito ang ibinahagi ni DOST secretary Fortunato dela Pena kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte batay na din aniya sa ikinasa nilang pagsusuri […]