ROCKETS, ‘NOT PRESSURED’ KAHIT NAIS NANG UMALIS NINA HARDEN, WESTBROOK
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
WALA umanong nararamdamang pressure ang Houston Rockets na i-trade si James Harden o Russell Westbrook, kahit na naghayag na ang dalawang superstars ng kanilang interes na makalipat na sa ibang koponan.
Nananatili raw kasi ang paninindigan ng pamunuan ng Houston na hindi ite-trade ang dalawa hangga’t walang team ang nakakatapat sa asking price.
Batay sa ilang mga impormante, handa rin daw ang Rockets na simulan ang training camp at simulan ang season na nasa roster sina Harden at Westbrook, kahit na hindi na raw natutuwa ang dalawa sa sitwasyon.
Sinasabing nagkaroon na rin daw ng diskusyon ang Rockets at Washington Wizards kaugnay sa isang deal kung saan ipapalit kay Westbrook si All-Star guard John Wall.
Pero hirit daw ng Rockets, maliban kay Wall ay dapat ding magsama ng assets ang Wizards.
Sa kabila nito, hindi naman daw naoobliga ang Houston na tuparin ang hiling ni Harden na makalipat ito sa Brooklyn Nets.
Sa kasalukuyan, sinimulan na ng Rockets ang pag-iipon ng kanilang assets na posibleng makatulong sa franchise sakaling matuloy ang paglisan ng dalawang NBA stars.
-
73 matatandang inabandona ng kanilang pamilya sa Valenzuela, bakunado na
INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian na nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra COVID-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod. “Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani […]
-
Sinabihang ‘masama ang ugali’ nang makita sa mall: GABBI, nagulat din na kayang makipagsabayan kina JODI at JOSHUA
KILALANG mahuhusay na artista ang mga kasabayan ni Gabbi Garcia sa serye na ‘Unbreak My Heart’ tulad nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia at iba pang supporting cast, pero nagawa ni Gabbi na hindi magpahuli at makipagsabayan sa mga ito. “Siguro it’s really all hard work and disiplina po. And ang dami ko […]
-
Ads January 25, 2023