Roger Federer, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes
- Published on June 2, 2020
- by @peoplesbalita
Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon.
Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo.
Sumegunda naman sa listahan ang Portuguese football star na si Cristiano Ronaldo na may kitang $105-milyon; at sumunod si Argentine striker na si Lionel Messi na may $104-milyon.
Ikaapat ang Brazilian footballer na si Neymar na may $95.5-milyon; habang ikalima si Los Angeles Lakers star LeBron James, $88.2-milyon.
Ayon sa Forbes, nakaapekto umano nang husto ang coronavirus pandemic sa unang pagsadsad sa kabuuang kita ng 100 top-paid athletes mula noong 2016.
Inaasahang magkakaroon ulit ng pagbaba sa susunod na taon dahil sa shutdown. (AFP)
-
Para makabyahe ang motorcycle taxis, permiso ng mga mambabatas kailangan munang makuha
KAILANGAN muna ng mga motorcycle taxis ng permiso mula sa mga mambabatas bago pa makabalik sa lansangan. Ito’y dahil sa patuloy na umiiral na ‘limit modes’ ng public transport dahil sa coronavirus pandemic. Ang inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa House […]
-
Ads June 15, 2022
-
Present si Beatrice at missing in action si Rabiya: MICHELLE, nangabog at tumanggap ng ‘Multi-Level Beauty Award’
TUMANGGAP ng Multi-Level Beauty Award si Michelle Dee sa naganap na Miss Universe Philippines Top 32 Official Press Presentation noong nakaraang April 9. Kinabog ni Michelle ang 31 other finalist ng MUP 2022 sa naturang award. “Thank you so much to everyone that constantly supports me and my journey to the Universe. […]