Role ni ALLEN bilang ‘battered husband’, pinaka-challenging sa mga nagampanan
- Published on September 8, 2021
- by @peoplesbalita
AYON sa award-winning actor na si Allen Dizon, ang papel niya bilang Olan sa Battered Husband ang isa sa pinaka-challenging na kanyang ginampanan.
“Kasi hinahayaan ko na abusuhin ako ng asawa ko physically, emotionally at psychologically. Hindi ako ganyan sa totong buhay. Hindi ko sinasaktan ang asawa ko at hindi ko rin naman hinayaan ang kahit sino na saktan ako,” pahayag ni Allen.
Ayon pa sa actor, karamihan sa mga battered husbands, dahil sa kanilang macho image, ay hindi umaamin na sinasaktan sila ng kanilang misis. Itinatago nila ito, tulad nang ginawa ni Olan sa pelikula.
Ang maipakita ang acting talent niya ang nagbunsod kay Allen para maging isang actor. Siyempre gusto rin naman niyang kumita. Nais din niya na sumikat at maging stable ang kanyang career.
“Para sa akin, ang hardest or toughest part ng trabaho ng isang actor ay kung paano siya magtatagal sa business. Siyempre tumatanda na rin tayo at maraming mga bagong artista na ang dumarating. Mahigpit na ang competition kaya kailangan na i-reinvent mo ang sarili at ipakita ang iyong versatility,” paliwanag ni Allen.
Si Ralston Jover ang director ng The Battered Husband. Naipanalo niya si Allen ng best actor award sa isang A-List International Film Festival.
“Very cool na director si Ralston. Ayaw niya sa artista na over acting. Ang gusto niya ay sincere at affecting performance. Sa ‘Battered Husband’, lagi niya akong nire-remind to be focused at pag-aralan ang complexity ng character ko.”
***
MARAMING nagtatanong kung bakit nagkaroon ng season break ang The World Between Us, ang bagong serye nina Alden Richards, Jasmine Curtis at Tom Rodriguez.
Kasisimula lang ng show eh bakit may break agad?
Sabi ng isang taga-GMA, dahil sa restrictions during ECQ kaya di sila pwede mag-taping ng tuluy-tuloy.
Maraming quarantine restrictions pag ECQ kaya doble ingat ang cast at staff ng programa.
Siyempre unang inisip ng ptoduction team ang safety ng mga taong involved sa taping.
May mga safety protocols na dapat sundin to ensure everyone’s safety on the set.
Mahirap naman kung may magkakasakit sa cast o staff kasi buong production ang apektado if ever something like that happens.
Kaya wait na lang muna ang regular viewers ng TWBU kung kailan magkakaroon ng new episodes sng programa.
(RICKY CALDERON)
-
PBBM, dumating na sa UAE para sa working visit
DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa one-day working visit para palakasin ang relasyon sa Pilipinas. “The plane carrying Marcos and his trimmed-down delegation arrived in the UAE at 2:06 am Tuesday (6:06 am Manila Time),” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez. […]
-
Ravena 3 buwang pahinga
IPINAHAYAG ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa Chunichi Hospital sa Narita, Japan. Pinapagaling na ngayon ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes. “Happy to announce that my […]
-
Umawit ng Tagalog version ng theme song ng ‘Meteor Garden’: JOSH, nag-pay tribute din sa pagpanaw ng Taiwanese star na si BARBIE HSU
NAG-PAY tribute din sa pagpanaw ng Taiwanese star na si Barbie Hsu ang singer-turned-doctor na si Josh Santana. Si Josh ang umawit ng Tagalog version ng theme song na “Qing Fei Di Yi” na mula sa pinagbidahang Taiwanese series ni Barbie kasama ang F4 na ‘Meteor Garden’. On Instagram, binigay ni Josh ang request ng netizens […]