Rollback sa diesel tuloy, presyo ng gasolina tataas
- Published on October 18, 2023
- by @peoplesbalita
MAGPAPATUPAD ng magkakaibang galaw sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa kung saan tuloy ang rollback sa diesel at kerosene, habang tataas naman ang presyo ng gasolina.
Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corp, Caltex, at Seaoil Philippines Corp., parehong bababa ang presyo ng kanilang diesel at kerosene ng P.95 sentimos kada litro.
Magtataas naman ang mga kompanya ng P.55 sentimos sa kada litro ng gasolina.
Kaparehong pagbababa rin sa diesel at pagtataas sa gasolina ang ikakasa ng Cleanfuel, PetroGazz at ng PTT sa hiwalay nilang advisory.
Inaasahan na maipatutupad ang price adjustments dakong alas-12:01 ng madaling araw at alas-6 ng umaga sa ibang kumpanya.
Ang naturang galaw sa presyo ng petrolyo ay makaraan ang malakihang rolbak noong Oktubre 10 kung kailan binawasan ng P3.05 ang litro ng gasolina, P2.45 sa diesel at P3 sa kerosene.
Dahil sa panibagong galaw sa presyo ng petrolyo, naitala sa P12.25 kada litro ang naitaas sa gasolina mula nitong Enero 1, P11.35 kada litro sa diesel at P5.94 sa kerosene.
-
PBBM sa kanyang political allies : Teamwork key to a prosperous PH
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga political leaders para makamit ang mas masagana at progresibong Pilipinas. “Hindi pangkaraniwan ang pagtitipon ngayon dahil ito ay pagkakataon para ipakita natin ang kahalagahan ng pagsasama-sama at ng pagkakaisa. Para sa kaunlaran… Para sa pagbabago… Para […]
-
PDu30, nagtalaga ng bagong Court of Appeals justice
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Bangko Sentral ng Pilipinas Executive Director Jennifer Joy Chua Ong bilang associate justice ng Court of Appeals (CA). Sa panahon na itinalaga si Justice Ong, siya ay undersecretary ng Office of the Appointments Secretary ng Office of the President. Si Justice Ong, nanumpa […]
-
P2.8M ALLOWANCE NG MGA FRONTLINERS SA NAVOTAS
NAGLAAN ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance (SRA) ng mga frontliners na humaharap sa laban kontra sa COVID-19 pandemic. Nasa 428 city employees, 187 mula sa City Health Office at 241 mula sa Navotas City Hospital, ang nakatanggap ng kanilang SRA. “Lubos kaming nagpapasalamat […]