Rollback sa produktong petrolyo malabo, ayon sa DOE
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI PA inaasahan ang pagbaba sa presyo ng produkto ng langis sa gitna ng oil shortage, pababang inventory at patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon sa Department of Energy (DOE), Martes.
‘Yan ang sabi ni DOE Oil Industry Management Bureau director Rino Abad sa TeleRadyo ngayong ika-10 sunod na linggo na ng oil price hikes kung saan nasa P5.85 ang ipinatong kada litro ng diesel habang nasa P3.60/litro naman ito para sa gasolina ngayong araw.
“Wala tayong nakikitang ganoon [rollback sa presyo],” wika niya.
“Ine-expect po talaga natin unfortunately na tataas pa po ang price, until… meron pong colatilla lang diyan, until magkaroon po ng price destruction doon sa demand.”
Ayon sa ilang kritiko gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), ito na ang pinakamalaking one-time increase sa presyo ng langis simula nang ipatupad ang oil deregulation law.
Inaasahan nina Abad na kasing taas pa rin ang mangyayaring adjustment sa presyo ng langis sa sususunod na linggo.
Halos isang linggo na ang nakakaraan nang sabihin ni Energy Secretary Alfonso Cusi na lalo pang lalala ang local oil prices kung magtatagal pa ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine — ang una, sinasakop ang ikalawa.
“‘Yung ongoing na shortage, daily shortage production na ang estimate ng (International Energy Agency) ay nasa 1 million. Pangalawa, hinuhugot na po yung supplement na ‘yan sa mga existing stored inventory na declining din, na pababa nang pababa dahil wala pong build up na nakukuhang pambalik doon sa inventory,” dagdag pa ng DOE official.
“At pangatlo, itong Russia-Ukraine, talagang kumakagat na talaga yung issue ng takot na magkakaroon ng dagdag na shortage galing sa Russian oil. Ang Russian oil ay ine-export, around 5 million barrels per day.”
Nananawagan naman ngayon si Abad sa mga kumpanya ng langis sa bansa na patuloy magbigay ng discounts sa mga motorista.
Hindi susundin ng Unioil ang mga big-time oil players gaya ng Shell, Petron, Caltex atbp. sa pagpapatupad ng P5.85/litrong dagdag sa presyo ng diesel at P3.60/litrong dagdag sa gasolina.
“Back-to-back increase? We got you! We are slashing off our fuel price hike this week!” ayon sa Unioil sa isang pahayag, Lunes ng gabi. (Gene Adsuara)
-
Metro Manila mayors nagkasundo na ipatupad ang 5-year Metro Manila traffic plan
NAGKASUNDO ang mga alkalde ng Metro Manila at iba pang ahensya ng gobyerno na ganap na ipatupad ang isang komprehensibong plano sa trapiko para maibsan ang pagsisikip sa National Capital Region (NCR) bilang pag-asam ng mas magandang aktibidad sa ekonomiya sa susunod na limang taon. Sinabi ni Atty. Romando Artes, acting chairman ng […]
-
Mga neophyte senators, hinimok ni Drilon na mag-aral at humingi ng payo sa mga eksperto
HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga bagong senador na dapat mag-aral ng mabuti at humingi ng payo sa mga eksperto. Aniya, ang pagkahalal ay hindi ginagawang senador. Dapat aniyang makuha ang respeto ng iyong mga kasamahan una, ang publiko pangalawa. Kaya naman, walang masama sa pag-aaral […]
-
Sinisigurong magiging proud ang mga anak nila: DINGDONG at MARIAN, excited sa balik-tambalan sa family drama na ‘Rewind’
TULUYAN na ngang ipinabatid sa buong mundo, sa pamamagitan ng isang Facebook live ang pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang ‘Rewind’ na co-produced ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures. Ayon sa head ng ABS-CBN Film Productions Inc. na si Kriz Gazmen ang mahalagang milestone na naabot na ng […]