• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rome Marathon, kanselado vs coronavirus scare

KINANSELA na rin ang malaking marathon sa Italy dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.

 

Sa pinakahuling datos, umabot na sa 148 ang patay dahil sa coronavirus sa Italy at mahigit 3,200 naman ang nadapuan ng sakit.

 

Sa panayam kay Jeff Lagos mula sa Rome, inihayag nitong kanselado ang Rome Marathon na nakatakda sana sa Marso 29.

 

Ito ay kasunod na rin ng inilabas ng pamahalaan na cabinet decree na nagsususpinde sa malalaking pagtitipon at events sa bansa kabilang na rin ang mga sporting events at kompetisyon hanggang Abril 3.

 

Dahil dito, ang registration fee na binayaran ng mga runners ay ililipat na lang sa susunod na edisyon ng Rome Marathon sa 2021 kung saan dalawang medalya ang tatanggapin ng mga lalahok.

 

Sa ngayon, umabot na sana sa mahigit 10,000 runners ang nag-sign up na makilahok sa Rome Marathon.
Samantala, hindi pa matitiyak aniya kung maextend ang pagbubukas ng lahat ng mga paaralan na isinara dahil sa COVID-19.

 

Batay sa utos ng Italian government, hanggang Marso 15 ang closure ng mga paaralan at unibersidad sa bansa.
Nag-abiso na rin ang Philippine Embassy sa mga Pilipino na maging mapagmatyag at panatilihin ang proper hygiene.

Other News
  • WHO nakahanap ng mga ebidensiya na mas hindi nakakahawa ang Omicron

    Nakahanap pa ng mas maraming ebidensiya ang World Health Organization (WHO) na ang Omicron coronavirus variant ay labis na naapektuhan nito ang upper respiratory tract.     Pero may katamtamang sintomas nito kumpara sa naunang Delta variant.     Sinabi ni WHO Incident Manager Abdi Mahamud na maraming mga lumabas na pag-aaral na ang target […]

  • Jordan Heading kinuha ng Converge

    KINUHA ng Converge FiberXers si Jordan Heading matapos ang matagumpay nitong pag-representa ng bansa sa Jones Cup.     Sa Game 1 kasi ng finals ng PBA Governors Cup sa pagitan ng Ginebra at TNT na ginanap sa Antipolo ay namataan itong nanood.     Kaya mula noon ay marami na ang nanghinala na tuluyan […]

  • Franchise ng Blackwater sa PBA ibinebenta na

    Nagdesisyon ang may-ari ng PBA team Blackwater Elite na ibenta na ang kanilang franchise.   Sinabi ni team owner Dioceldo Sy, na ibinebenta na nila ang kanilang franchise sa halagang P150 million.   Dagdag pa nito na napilitan na silang ibenta ito matapos na sila ay patawan ng multa ng Philippine Basketball Association (PBA) at […]